"Jun, umamin ka nga sa amin. Dati ko pa gusto malaman iyang problema mo. You know we can trust Axel kaya wala namang problema kahit umamin ka sa harap niya."

"I don't think I can."

"Alam mo, nakakasama ka minsan ng loob. Para kang walang tiwala sa amin. Kung may problema ka, sabihin mo. Tangina. Ano pa't kaibigan mo kami kung hindi ka namin tutulungan?"

"Ang cheesy pero totoo." Inakbayan ako ni Axel saka tinapik ang balikat ko. "Magkuwento ka nga."

I want to. I really want them to know para gumaan ang pakiramdam ko. Ang hirap kasi kapag sino-solo ang problema. Kaibigan ko sila and they already proven themselves kaya alam ko na hindi nila ako tatalikuran.

Alam na ni Gavin ang sikretso ko tungkol sa droga pero tulad ni Axel, alam ko na hindi niya pa alam kung bakit ko ito ginagawa.

Iyon rin ang isa sa ikinatatakot ko. Baka mahusgahan ako ni Axel kapag nalaman na totoo ang bali-balita tungkol sa akin. Pero kung may pakielam siya rito, sana hindi niya ako kinaibigan dati. Nakakagago nga naman kung alam mo iyong kaibian mo may itinatago sa iyo pero hindi pa rin sinasabi kahit alam niyang alam mo na may problema siya.

Pikit mata ko ikinwento lahat ng dapat nila malaman at tahimik naman silang nakinig. Nang matapos ako, itinungo ko lang ang ulo ko habang hinihintay ang sasabihin nila. Papikit na sana ako sa takot na baka nag-iba tingin sa akin ni Axel pero napatingin na lang ako sa kaniya nang tapikin niya ulit ang balikat ko bago umayos ng upo.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin dati?"

"Iniisip ko kasi, wala naman mangyayari kahit pa malaman mo." sagot ko sa tanong ni Gavin.

"Jun, sana sinabi mo sa amin. Kahit kay Gavin na lang sana kasi kailan mo lang rin naman ako naging kaibigan kaya maiintindihan ko kung hindi mo kaagad ipaalam sa akin. Malaking halaga kailangan mo para masalba pamilya mo kaya alam kong nahihirapan ka. Kung sinabi mo kaagad kay Gavin iyan, edi sana nadamayan ka niya ng husto."

"Hindi ka namin matutulungan financially pero kapag kailangan mo ng tulong sa ibang bagay, makakaasa ka naman sa amin."

Matapos ko marinig ang mga sinabi nila, naalala ko kaagad si Patricia. Isa kasi ito sa problema ko ngayon kahit pa sabihin na ginusto ko na palayuin ito para hindi ako lalo magkagusto rito.

"Let's not talk about my family problem. Iniisip ko ngayon si Patricia. I'm pretty sure she's mad kahit na nag-walkout lang siya kanina."

"Hindi talaga kita ma-gets." Napatingin kami ni Axel kay Gavin nang magsalita ito. "Nasabi mo sa amin dati na kaya ayaw mo i-pursue kasi kapag nag-girlfriend, kailangan maglabas ng pera. Ano ba tingin mo kay Pat-Pat? Mukhang pera? Materialistic? Napag-usapan natin ito, hindi ba? I told you—"

"Yeah. I remember. Giving things isn't obligatory when I enter a relationship. Pero kasi impulsive ako. If by any chance naging kami, alam ko sa sarili ko na kung ano-anong bibilihin ko para lang mapasaya siya."

"If that's the case, look for alternatives." Nagkibit-balikat siya saka tuminga. "Let's say tali ng buhok? Stickers? Colored pencils? Highlighters? Glitters? Kahit anong colorful shit. I don't know what girls like but do you get the point?"

"Gets ko."

"Sabi ko nga sa iyo, hindi materialistic si Pat-Pat. Hindi ba't crush ako dati noon? Binigyan ko lang ng ballpen, ang laki na ng ngiti."

"Magkaiba tayo. Hindi naman niya ako gusto."

"Alam niyo, kingina niyo. Ang corny ng pinag-uusapan niyo." Tumayo si Axel sa harap namin saka pinagpag ang pang-upo. "Isa lang iyan. Gusto mo mapunta si Patricia sa iba o hindi?"

The Guy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now