LSS Series #1 - Prologue

5.2K 145 12
                                    

"Mr. Garcia, kausapin mo ang mga estudyante mo ha? Pagsabihan mo."

Tumango ako at lumabas na 'ko ng Principal's office. Pinatawag lang naman ako dahil kasali ang mga estudyante ko sa gulo kanina sa court. At alam niyo ba kung ano ang dahilan? Hay nako! Dahil sa lalaki. Pambihira na 'yan.

Unang araw ng pasukan, may away agad sila? Palihasa, wala akong alam masyado sa kanila dahil ngayong araw ang aking unang araw sa pagtuturo.

Pumasok na 'ko sa classroom at pawang tahimik ang lahat. Halata sa kanila na takot sila at pagod dahil sa gulo.  Hindi naman ako terror na teacher eh. Pero sinabi ko sa kanila, pag seryoso ang oras, seryoso dapat ang lahat. At vice versa

"Third year naman! Bakit ba ganyan kayo? First day of class?! May record agad sa guidance?!" naiinis kong saad sa kanila.

"Faith! Ikaw ang president, ah? Bakit pinanood lang ang gulo? I expect na kapag may gulo especially ang section na'tin, ikaw ang aawat katulong ang mga Sgt. At Arms," Nakatingin lang sila sa'kin at pawang aircon at electric fan lang ang maririnig mo dito.

"Thea at Mikayla, Mag-explain kayo sa'kin ba't kayo nagkagulo sa court kanina?" tumayo ang dalawa at pawang tahimik lang ang klase.

"Sir... kasi 'tong si Mikayla eh! Masyadong maharot! Pati si Adrian nilalandi niya po." Sabi ni Thea.

"Hoy, Thea! Boyfriend ko si Adrian. Bakit ba ganyan ka mainis sa'kin?!" at nagulat ang lahat sa narinig mula kay Mikayla. Pati si Thea nagulat.

"Adrian? Totoo ba 'yun?" pagtatanong ko sa kanya.

Tumingin lang ito sa'kin at lahat ng mga kaklase niya ay inaantay siyang magsalita.

"'Di ba, Adrian?! Sagutin mo tanong ni Sir!" pagpupumilit ni Mikayla.

"O-opo sir... Girlfriend ko po si Mikayla." at nagulat ang lahat at si Thea ay nalungkot sa narinig.

"See! Masyado kang mainit, Thea. Umaasa ka kasi palagi sa asar ng mga kaklase na'tin na bagay kayo gan'to-ganyan. Sorry, pero ako ang gusto ni Adrian." Mataray na saad ni Mikayla kay Thea.

"Okay quiet, class. Mikayla, stop that. Alam namin na boyfriend mo si Adrian... pero alam mo ang rule ng school 'di ba? Hindi pwede ang ganyang usapan pag nasa loob ng campus? Pwede kayo ma-guidance niyan. Gusto mo ba 'yun?" natahimik ang dalawa at pinaupo ko na sila. Katuturo ko lang ng rules and regulations ng school, nilabag na agad nila ito. Haist!

"Class, hindi naman ako tutol sa ganyan eh. Yung magkakaro'n kayo ng jowa sa ganyang edad ninyo? Hindi ako tutol jan. Pero sana alamin niyo kung sa'n kayo lulugar. Katulad niyan, yung away niyong dalawa sa court kanina, tama ba na gawin 'yun?" saad ko sa kanila.

"Pero sir... si Thea po talaga nagsimula ng gulo, eh. Nananahimik lang po kami ni Adrian sa court." kwento ni Mikayla.

"At ikaw naman Thea... hindi kita masisisi kung nadala ka sa pang-aasar ng mga kaklase mo. Baka dahil araw-araw kayo inaasar. Bago lang naman ako dito. Pero, dapat pinagusapan niyo muna ni Mikayla ito. Or mas better kung pinagisipan mo ba yung gagawin mo." Kita ko sa emosyon ni Thea na nasaktan siya.

Nagbell na at uwian na namin. Pero bago pa man kami magsi-uwian "Class... uulitin ko. Hindi ko na kayo dadalhin sa guidance office. Pero sana naman... SANA, huling beses na 'to na mangyayari ha? Thea? Sumama ka sa'kin."

Lumabas na ang iba at si Thea ay sumama sa'kin at tumungo kami sa may isang spot sa may tapat ng building at naupo "Thea? Wag mong masyadong dibdibin ang nangyari..."

Naluluha na si Thea sa nangyari at cinomfort ko naman ito. Bakit ba kasi nauso ang love-love na 'yan eh... Char! Bitter ko 'noh?

"Kasi naman sir eh... Akala ko may meaning ang lahat... Yung pagiging close na 'min, 'yung pagsasakay niya sa pang aasar ng mga kaklase na 'min na bagay kami gan'to ganyan." Ramdam ko ang mga sinasabi ni Thea.

Bullshit kasi 'tong ship-ship na 'to eh! Ba't pa nauso ang gano'ng bagay. Hindi nila alam na napaka-fragile ng emotion ng ibang tao at mabilis ma-fall at maniwala sa mga nangyayari.

"Lesson learned. Wag tayong masyadong maniwala sa mga sinasabi ng iba talaga. Lalo na kung about love 'yan. Hay nako! Kahit marami pa ang i-asar sa'yo na bagay kayo, wag kang maniniwala agad. Mag thank you ka na lang, gan'on." At natawa naman si Thea kaya gumaan ang atmosphere namin ngayon dito.

"Parang naapagdaan niyo na po 'to sir ha?" napangiti na lang ako kay Thea at hindi ko ito sinagot.

"Tara na nga!" inaya ko na ito lumabas dahil uwian na rin naman.

Nagpaalam na ito sa'kin nang dumating na si Leslie "Sige po sir, Nanjan na po si Ma'am Leslie. Thank you po ulit sir!"

Nang makaalis si Thea, naglakad na kami ni Leslie papuntang parking lot dahil nandun ang kotse namin.

"Uy, Ty! Balita ko pinatawag ka daw ni Mrs. Pineda sa opisina niya ha? First day, first guidance, gano'n? Ano balita?" pagchi-chismis ni Leslie.

"Yung mga estudyante ko kasi, nag-away sa court tas andaming nanood kaya ayun umabot kay Mrs. Pineda." Natawa naman si Leslie nang maikwento ko sa kanya ang away.

"Away pala yung nasa court kanina? Da't nanood tayo!" binatukan ko ng malakas ang bruha dahil walang kwenta ang suhestyon nito.

"Gusto mo bang masisante ako dito? Siraulo ka pala eh! Edi napagusapan pa 'ko sa newspaper ng campus tas ang headline 'Teacher nasisante dahil pinanood ang mga estudyante niya magsabunutan'  ganon?" natawa na lang lalo si Leslie kaya pumasok na lang ako sa kotse ko at umalis na sa campus.


 
Mahabang oras ang lumipas pero nasa daan pa rin ako. Nang mag-red light, biglang may tumawag sa'kin kaya sinagot ko ito.

"Hello?"

[Hey, Tyler! Where are you?]

"Nasa kotse. Pauwi na 'ko. Bakit?"

[Nothing. Just wanna ask if nakita mo yung chocolate kanina sa table mo? Hope you like it.]

Si JM pala ang naglagay nu'n sa mesa ko. Ewan ko ba dito kay JM, masyadong sineseryoso ang mga biro ko sa kanya. Kahapon kasi, habang namimili kami ng mga gamit para sa trabaho, biniro ko siya na gusto ko ng chocolate. 'Di ko naman inaasahan na gagawin niya 'yun.

"O-oo.. salamat, JM. Nag-abala ka pa." Nagpaalam na'ko ay JM dahil magmamaneho pa 'ko.


Nang magsimula na 'ko magmaneho, okay naman ang takbo sa daan. Pero napahinto ako nang may sumalpak sa gilid ng kotse ko ang isang motor at ang lalaking naga helmet at jacket ay gumulong sa harap kaya may basag onti ang harap ko.

Bumagsak sa kabilang side ang lalaki at ako naman ay nataranta dahil unang beses itong mangyari sa loob ng 3 taon na pagmamaneho ko.

Lumabas ako ng kotse para tignan ang lakaki kung ayos lang ba 'to. Hindi ko makita ang mukha niya pero humihinga pa naman siya. "Kuya... gising ka pa ba?"

May humintong L300 sa gilid namin at pawang nataranta rin ang mga 'to "Bogs! Gumising ka!"

T-teka!? Bogs?! Ba't parang pamilyar ang pangalan niya?!

Lilingunin ko sana ang mga 'to pero kinabig ako ng babae "Tabi nga! Kuya Bogs! Ayos ka lang ba?!"

Lumapit ang dalawang lalaki sa naaksidente at namukhaan ko ang isa sa kanila... Jusko Lord- Hindi kaya...

Nakita kong bumangon ang lalaki at tinulungan nilang tanggalin ang helmet ng lalaking naaksidente.

"Kuya Bogs kasi, eh... Ang kulit mo kasi. Dapat hindi mo na ginawa 'yun eh." narinig kong bulong ng isa.

"A-ayos ka lang ba?" pagtatanong ko sa lalaki.

"Pre naman, sino ba naman magiging okay- Tyler?!" at nabigla ako nang mamukhaan ko na ang lalaki.

"C-CJ?!" at si CJ rin ay nabigla nang ako pala ang may-ari ng kotse.

Natanggal na ng lalaki ang kanyang helmet at tumingin sa'kin. 'Yung tingin na para bang may mga lungkot at paka bigla sa mga mata niya.


"Aldrich?!"

- LSS Series #1 - Hate That I Love You -

LSS Series #1: Hate That I Love You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon