CHAPTER 78

1.2K 36 0
                                    

GLENT's POV

"Pupunta pa tayo sa headquarters?" tanong ko kay Alexa.

"Hindi na. Wala na tayong oras" sabi niya.

Tumango naman ako at kinuha ko nalang 'yong handgun na nakalagay sa compartment ng kotse niya. May dalawang handgun kasi dito just incase of emergency. I checked the gun kung may laman pa itong mga bala. Mabuti nalang at meron pa.

Mahirap na baka sumugod kami doon ng walang dalang bala. Edi patay kaming dalawa.

Pagdating namin sa location agad naman naming nakita sina Henrex na nakikipagbakbakan. May mga taga police department din na nandito as back up, binigay ko na kay Alexa ang isang handgun bago kami lumabas ng kotse.

"Ano'ng nangyari dito?" tanong ko kay Henrex

Kinuwento niya naman sa'kin ang buong pangyayari. Escort lang pala sila dapat ng Vice Mayor kaso bigla silang inambush ng mga armadong lalaki kaya nauwi sa pakikipagbakbakan ngayon.

"How's the Vice Mayor?" tanong ni Alexa sa kanya

"She's fine now. Naitakas na siya nila Phoebe" sagot naman ni Rex.

Tumango nalang kaming dalawa ni Alexa at nakisali na rin sa pakikipagpalitan ng mga putok ng baril.

STEFFY's POV

Nandito ako sa bahay ngayon and as usual mag-isa na naman ako kasi nasa abroad parents ko and wala din dito si Justin kasi may importante daw siyang gagawin with his family kaya ito solo flight ang kumare niyo dito sa bahay. Wala din kaming maid kasi hindi ko bet. May trust issues kasi ako. Ninakawan kasi kami ng dati naming maid tsaka malaking halaga 'yong nadala niya kaya ayon dahil narin siguro sa trauma kaya ayaw ko na kumuha ng maid. Tsaka 'yong dalawang babaita hindi na rin ako kinakakausap matagal na. Mukhang may bagong friendships na yata at kinalimutan na ako.

*phone rings*

Agad ko namang sinagot ang phone ko

"Hello?"

"Sino 'to?" tanong ko sa kabilang linya.

Unregistered number kasi 'yong tumatawag sa'kin.

"Stef, ako 'to!" sabi ng kabilang linya

Bigla naman akong natigilan nang marecognize ko ang boses ng tumatawag sa'kin. Hindi ako pwedeng magkamali. It's him.

"T-Tito Armando?" tanong ko sa kanya

"Ako nga pinakamamahal kong pamangkin" sabi niya.

Kinilabutan naman ako sa sinabi niya

"B-bakit po kayo napatawag, Tito?" tanong ko sa kanya.

"Kumusta na 'yong pinapagawa ko sayo? Sana naman nagawa mo na" sabi niya sa'kin.

Sabi ko nga ba hindi nagkakamali ang kutob ko na ito talaga ang itatanong niya kung bakit siya napatawag.

"O-okay naman po, Tito. N-nagawa ko na po matagal na" sabi ko sa kanya.

Sorry Tito Armando pero hindi ko magagawa ang gusto mo. Ayaw kong manakit ng kapwa.

Justine died because of me. Tama na 'yon! Ayaw ko ng pumatay pa. Lalo na kung sina Glent at Alexa na ang usapan. Matalik ko na silang kaibigan tsaka kapatid na ang turing ko kay Alexa kaya hindi ko magagawa ang gusto mo kaya nagawa kong magsinungaling sayo.

Oo, tama kayo. Inutusan niya akong patayin sina Glent at Alexa pero hindi ko ito kayang gawin. Naging mabait sila sa'kin kahit napakasama ko sa kanila.

"Mabuti naman at nagawa mo na ang matagal ko ng gustong gawin. Sa wakas at naligpit mo na silang dalawa. Si Graciano nalang ang po-problemahin ko" sabi niya at tumawa pa ito ng malakas sa kabilang linya.

Naki tawa nalang din ako kahit pilit. Nasa ibang bansa kasi si Tito for almost 4 years na. After ng plano niyang massacre sa birthday ng Daddy ni Glent tumakas na ito kasi nabalitaan niyang may mga Agents daw na naghahanap sa kanya.

"See you soon, pamangkin. Tito will hang up the phone call for now" sabi niya at binaba na nga 'yong tawag.

Napabuntong-hininga nalang ako ng wala sa oras. I should be ready sa kung ano man ang mga posibleng mangyayari sa mga susunod na mga araw lalo na ngayon na malapit na ang kasal nina Glent at Alexa.

Speaking of their wedding. Excited na ako kasi ako ang magiging maid of honor ni Alexa tapos si Justin naman ang Best Man ni Glent. Fix na din ang mga ninong at ninang nila but wala paring kaalam-alam si Alexa magiging motif ng kasal nila kasi surprise ang balak ni Glent.

WEEKS LATER....

ARMANDO's POV

"Boss!" tawag sa'kin ng tauhan ko.

"Ano na naman ang kailangan mo?" inis na tanong ko sa kanya.

Istorbo eh! Kitang nagpapahinga ako. Nang iistorbo pa.

"Steffy, your beloved Niece lied to us" sabi niya.

Napatingin naman ako sa kanya at natawa.

"What are you saying? Nagbibiro ka ba? Kahit kelan hindi pa nagawang mag sinungaling ni Steffy sa'kin. Kilala ko ang batang 'yon" sabi ko sa kanya.

"Hindi nga din ako makapaniwala pero nagawa niya talagang magsinungaling sa'tin. Lalo na sayo" sabi niya sa'kin.

"Sabihin mo nga sa'kin ng diretso 'yan. Hindi 'yong madami ka pang pasikot-sikot na nalalaman" sabi ko sa kanya

"Steffy lied to us regarding to Glent's and Alexa's death! Naniwala tayo sa kasinungalingan ng pinakamamahal mong pamangkin. Alexa and Glent are still alive! Where in fact. Ikakasal na nga silang dalawa bukas..." sabi niya

"And guess what? Maid of Honor pa ni Alexa ang pinakakamahal mong pamangkin." sabi niya.

"Traydor!" inis na sumbat ko

I clinched my fist due to anger. I can't believe it! I can't believe na nagawa sa'kin 'to ni Steffy. Nagawa niyang magsinungaling sa'kin! Nagawa niya akong traydorin. Pinagkatiwalaan ko siya kasi alam kong malaki ang galit niya kay Alexa at Glent pero ano 'ting ginawa niya sa'kin? I'm very dissapointed!

"Ano'ng plano mo boss?" tanong sa'kin ng tauhan ko.

"Mag pa book ka ng flight papuntang Pilipinas! May pupuntahan tayong kasal bukas" utos ko sa kanya.

Tumango naman siya.

"Sige boss. Masusunod" sabi nito at umalis na sa harapan ko

Kung sa tingin niyo magiging masaya ang kasal ninyong dalawa. Sa tingin niyo lang 'yon. After years of being silenced. I'm back para sirain ang pinaka importanteng araw ng buhay ninyong dalawa.

It's now or never. Ako na mismo ang pupunta sa kasal ninyo at ako na mismo ang magliligpit sa inyo.

The President's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon