CHAPTER 48

1.2K 39 4
                                    

KILLER's POV

"Boss, nakita nila ang mga snipers na pinadala natin and patay na sila ngayon. Naunahan ng mga kalaban eh" sabi sa'kin ng tauhan ko.

Tumango naman ako.

Nag hire ka din pala ng sniper na magbabantay sayo, Graciano. Magaling. Hindi ko naisip na gagawin mo 'yon.

You'll leave me no choice. My friend.

"Ihanda ang regalo ko at ang kotse dahil ako na mismo ang pupunta sa kanya" sabi ko sa tauhan ko.

"Masusunod, boss"

Agad naman nitong binalot ang pasabog kong regalo para kay Graciano at binigay sa'kin. Pagkatapos hinanda na din niya ang kotseng gagamitin ko

Pumunta na ako sa restaurant kung saan ginanap ang birthday celebration niya.

"Excuse me, Sir. Invitation card po?" tanong sa'kin ng guard.

"Wala akong dalang invitation card eh. Naiwan yata sa bahay" sabi ko naman sa kanila

"Pasensya na, Sir. Pero utos kasi sa'min ni Mr. Montecarlos na wag papasukin ang walang dalang invitation card" sabi ng guard sa'kin.

"Bestfriend ako ni Graciano at alam niyang pupunta ako dito" sabi ko at nilampasan ang guard kahit hindi ito pumayag na pumasok ako.

"Sir!" tawag nito sa'kin.

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Mukhang nagkakatuwaan sila dito ahh!

"Graciano! My dear bestfriend. Long time no see" sabi ko sa kanya.

Napatingin naman sa'kin 'yong mga bisita niyang nagsasayawan.

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita niya ako. Bakit? dahil ba ngayon lang ulit ako nagpakita sa kanya?

"What are you doing here? You're not invited in this party! You may leave this place" sabi niya sa'kin.

"Grabe ka naman parang hindi mo 'ko bestfriend ah" sabi ko sa kanya.

Kumuha pa ako ng drinks sa waiter na dumaan sa gilid ko.

"Thanks for the drinks" sabi ko sabay inom.

Whiskey. I love it.

"Bestfriend? Huh! Kelan pa, Armando?" tanong niya sa'kin.

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.

"Oh sige... Hindi na kita bestfriend at kakalimutan ko na din na naging bestfriend kita" sabi ko sa kanya.

Natawa naman si Graciano.

Actually, matagal ko na siyang kinalimutan bilang bestfriend ko... Simula no'ng araw na siya ang pinili ng babaeng mahal ko. Dahil sa isang babae, nasira ang pagkakaibigan namin.

Maswerte lang sila dahil nabuhay pa silang dalawa ni Glent.

"I'm just gonna leave my precious gift here. Enjoy your boring party before this place will turned into ashes" sabi ko sa kanila at lumabas na

The President's SecretWhere stories live. Discover now