CHAPTER 23

1.5K 49 0
                                    

GLENT's POV

Sumakay naman agad ako sa kotse ko and start the engine

Pinaandar na ni Alexa ang kotse niya. Pinauna ko muna siya ng ilan metro para hindi niya mahalatang sinusundan ko siya.

Trip ko lang na sundan siya. I just want to know kung saan siya nakatira.

Babae ba talaga siya? Tangina! Parang may sinalihan yata siyang race ahh. Sobrang bilis kasi ng takbo ng sasakyan niya. Kaya medyo binilisan ko din ang pagtakbo ng kotse ko.

Tumigil lang ako dahil pumasok siya sa isang subdivision.

Woah! Exclusive subdivision 'yan ahh? Mayaman din pala sila.

Para naman akong tanga dahil tango nang tango lang ako sa loob ng kotse. Now I know kung saan siya nakatira.

ALEXA's POV

Saktong 6:15 AM na ng makarating ako dito sa bahay.

"Bunso?" tawag ko sa kanya.

Hmmm.

No signs of her dito sa living room kaya naman pumunta ako ng dining room. Wala din siya.

Naisipan ko namang umakyat and knock her door.

"Bunso?" tawag ko sa kanya.

Walang sumasagot kaya sinubukan kong buksan ang pinto and hindi naman ito naka lock kaya napasok ko ito.

Napabuntong-hininga naman ako. Akala ko may nangyari ng masama sa kanya.

Napaupo nalang ako sa gilid ng kama niya habang minamasdan ang babaeng sobrang himbing ng tulog.

"Bunso, gising na" sabi ko sa kanya at niyugyog siya ng mahina.

Nag unat naman siya at idinilat ang mga mata niya.

"Good morning" bati ko sa kanya.

"Hala! Good morning, Ate. Sorry if late ako nagising" sabi nito at agad na tumayo.

"It's fine bunso. Sige na, maligo ka na. I'll just go downstairs para mag prepare ng breakfast natin" sabi ko sa kanya

"Sige po, Ate" sabi naman niya at agad na pumasok sa banyo

Bumaba na nga ako at pumunta na ng  kitchen para mag handa ng breakfast namin.

I'll just toast some bread tsaka nag  handa ng milk. Umiinom naman kami ng coffee pero pag umaga gatas 'yong lagi naming iniinom. Fresh milk 'to mga beh! Hindi talaga kami pwedeng maubusan ng ganito sa fridge.

After a several minutes, bumaba na din si Miya suot 'yong mga damit na binili namin nung nag shopping kami.

Nga pala, nagkalaman laman na siya kahit papaano hindi tulad dati na sobrang payat.

"Swag pormahan natin ngayon ahh?" Tanong ko sa kanya.

"Inspired by you to, Ate Lex" sabi niya.

The President's SecretWhere stories live. Discover now