CHAPTER 5

2.8K 76 0
                                    

ALEXA's POV

It's already 6:10 PM nang makabalik ako sa Headquarter. Pagkarating ko roon naghahanda na 'yong boys para sa mission namin. Nandito pala kami sa dressing room ng HQ ngayon, dito kami nagpapalit ng mga damit kapag may mission kaming gagawin.

Agad naman akong nagbihis ng damit. Yup, nagbihis ako kahit kasama ko sila rito sa loob. Bakit ba? naka sports bra 'tsaka cyclings short naman ako eh. After kong magbihis kumuha na ako ng earpiece 'tsaka nilagay ito sa left ear ko. After that, kumuha rin ako ng microphone at nilagay sa damit ko. Parang butones lang ang laki nito kaya hindi nahahalata.

Kumuha na rin pala ako ng mga armas na gagamitin namin, hand gun lang 'yong kinuha ko. Hindi ako sanay gumamit ng ibang baril eh, mas prefer ko kasing makipagsuntukan kesa sa barilan. Ang weird ko 'di ba?

We're all set. Kuya Zeus already connect my earpiece and mic to his computer and I guess ganoon din sa mga kasama ko.

"I will tell you the direction" Rinig kong sabi ni Kuya sa kabilang linya. He's with the monitoring team.

"Got it" Johnson said. Our official driver.

Exactly 6:45 PM nakarating na kami sa area. Tahimik pa naman so far, kaya nag antay lang kami nang 15 minutes.

"I can see them. Papunta na sila d'yan" warning ni Kuya sa 'min kaya naman naging alerto na kami.

"Affirmative"

Tinanguan ko naman ang mga kasama ko. About the plan, 'yong plano ni JS ang susundin namin.

"This is it" Lance said.

Granger prepared his sniper rifle.

"And let the game, begins" sabi ko sa kanila.

Hindi muna kami kikilos unless hindi nagsisimula 'yong transaction. Tahimik lang kaming nagmamasid sa likod ng mga puno.

Nang nagsimula na ang transaction ng drugs. Granger shoot the legs of the dealer kaya naging alerto ang kalaban at hinanap kami. Agad naman kaming lumabas ni Lance sa pinagtataguan namin. The others move stealthly.

"Sino kayo? Anong ginagawa niyo sa lugar na 'to? Paano niyo kami natunton?" Tanong ng dealer sa 'min.

"Kalma lang. Mahina ang kalaban niyo" natatawang sabi ko sa kanya.

"It doesn't matter anyway kaya hindi niyo na kailangan nalaman kung sino kami at pano namin kayo natunton and lastly anong ginagawa namin? Ahmm. Nag da-date lang naman kami eh. 'Di ba, babe?" tanong ko kay Lance

"Oo, babe" Lance said at niyakap ako.

"In count of three, alam mo na gagawin mo." Mahinang sabi ko kay Lance.

"1 . . . 2 . . . 3"

Agad naman naming binunot ang mga hand gun namin at binaril 'yong dalawang lalaki sa hita. Sinadya namin doon para hindi sila makalakad ng maayos. Agad namang tumunog ang siren ng warehouse. This is the most interesting part b*tches. Ito na ang simula ng totoong laro.

"Now!" sabi ko kaya agad namang lumabas 'yong mga kasama ko at ginawa 'yong mga part nila.

"Secure those drugs" Paalala ko kina Alu at Vale.

They just nod at kinuha 'yong drugs sa lapag. Hindi lang 'yan ang drugs nasa may kotse pa yata.

Granger and Dyrroth already controlling the crowd by shooting them. Agad naman naming hinuli 'yong dalawang lalaki at pinusasan

"Sino ba talaga kayo?" tanong ng lalaki na may panot na buhok.

"Just like what I said, It doesn't matter" sabi ko naman sa kanya.

"Daph, May mga drugs pa sa loob, Kailangan ni Alu at Vale ng tulong" Kuya said.

"Copy"

"Sorry for this. Good night" sabi ko sa lalaking hawak ko at sinuntok ito ng malakas sa mukha kaya tulog.

"F*ck you!" Sabi sa 'kin ng lalaking hawak ni Lance.

"Tang*namo! 'Wag mong murahin, Prinsesa namin" Sabi ni Lance 'tsaka pinatulog din 'yong lalaking hawak niya.

Natawa nalang kami sa ginawa namin, tinawag ko naman si JS para asekasuhin 'tong dalawang pinatulog namin.

Agad naman kaming tumakbo ni Lance papunta sa loob ng warehouse. 'Yong mga nakakasalubong naming kalaban binubogbog at pinapatulog lang namin. Nasa labas pa rin sina Granger at Dyrroth.

"There" turo ni Lance sa direksyon nila Alu.

Napapalibutan sila ng mga kalaban kaya mukhang nahihirapan sila. Lance whistled to get the attention of the enemies kaya nabigyan ng pagkakataon sina Alu at Vale para atakehin ang mga kalaban. Agad naman kaming tumulong ni Lance sa kanila.

After almost 1 hour of fighting na secure na rin namin 'yong drugs tapos nahuli na rin 'yong mga kalaban and pabalik na kami ngayon sa HQ. Ang sakit ng katawan ko and may pasok pa kami bukas. Bahala na si Batman nito.

"Job well, done, Agents" Miss Jane said . Tumango naman kami as a response

She's Jane Balerma, the Head of Field Agents which is Field namin. We have 4 deparments kasi dito sa HQ which are: Field, Medical, Technical or the Monitoring and lastly the Experiment.

Field Agents are agents who take missions tulad sa 'min.

Medical Agents alam niyo na 'yon. Sila 'yong medical staffs dito sa HQ, pero 'wag mo silang maliitin they're well trained in fights too. They can kill if they want too.

Technical or Monitoring Agents are the Agents that works on monitoring. Sila 'yong mga mata namin kasi sila 'yong nagbabantay sa paligid. Computer lagi kaharap ng mga 'yan.

and Lastly, the Experimental Agents. Sila 'yong mga agents na nag e-experiment ng mga weapons na gagamitin namin. Sila 'yong weaponry namin.

"Sige na, pwede na kayong magpahinga kasi alam kong may pasok pa kayo bukas. Congratulations again, Agents" Miss Jane.

Tumango nalang kami at agad na pumunta sa Dressing Area para makapagbihis ng damit. Parang wala lang sa 'min na sabay-sabay kaming nagbihis ng damit. Naka boxer shorts lang 'yong boys and wala lang sa 'kin 'yon. Well, sanay ako sa kanila eh.

Nagpaalam naman sila sa 'kin nw uuwi na.

"Tara na!" Sabi ko kay Kuya nang makapasok ako sa office niya.

"Kanina pa kita hinihintay eh. Tara kain muna tayo. Hindi ka pa kumakain ng dinner mo"

I almost forgot, hindi pa pala ako kumakain ng dinner kasi inuna ko 'yong mission namin.

Tumango naman ako at sumama kay Kuya papunta sa dining hall ng HQ.
After namin kumain agad naman kaming umuwi para makapagpahinga na kami kasi may pasok pa bukas.

The President's SecretWhere stories live. Discover now