CHAPTER 29

1.4K 52 1
                                    

ALEXA's POV

After namin kumain, naisipan naman ni Dad na mag family bonding kami. Syempre, agad naman kaming pumayag kasi nga babalik din naman sila abroad para sa work nila kaya susulitin nalang namin 'yong mga araw na kasama pa namin silang dalawa rito.

Pumunta naman kami sa isang beach resort na sabi niya bagong bukas palang daw ito. We're planning to have a night swimming there.

It's almost four in the afternoon nang makarating kami sa resort na sinasabi ni Daddy. Jonas' Beach Resort ang pangalan nito. Nga pala, isang kotse lang 'yong ginamit namin and si Daddy ang nag drive.

"Princess, hindi ka ba nakatulog sa byahe?" Dad asked me while looking at the rearview mirror

"Hindi po ako makatulog eh, na enjoy ko po 'yong view papunta dito" sagot ko sa kanya.

Tumango nalang siya.

Ginising ko naman sina Kuya kasi nga nandito na kami sa beach resort.

Pagkapasok namin sa resort, Nag check-in naman si Daddy. Dalawang rooms lang 'yong ginamit namin. Isang room para sa kanila ni Mommy para may private moment daw silang dalawa ewsss tapos isang room lang din sa'ming magkakapatid.

Nang maibigay na sa amin ang susi ng kwarto, agad naman kaming pumunta roon para makapag ayos na agad ng mga gamit namin.

"Kayo nalang ang matulog d'yan sa kama" Kuya said

"How 'bout you, Kuya?" Miya asked him.

"Okay na ako dito sa sofa" Kuya said sabay lapag ng mga gamit niya sa sofa.

Tumango nalang kaming dalawa ni Miya. After naming mag ayos ng gamit lumabas na kami at naglakad-lakad muna.

"Hala! Ang cute" sabi ni Miya sabay hawak sa isang stitch miniature.

"Magkano po 'to, Kuya?" tanong ni Miya kay Kuyang nagtitinda.

" 'Yan po, Ma'am? Tag 150 pesos lang po 'yan" sabi ng lalaki kay Miya.

"Pabili nga ako ng isa, Kuya" sabi ni Miya sabay kuha ng pera sa wallet niya.

"How 'bout this,Kuya?" tanong ko kay Kuya habang hawak 'yong stitch na stuffed toy.

"380 pesos po, Ma'am"

"I'll get this one po" sabi ko naman sa kanya.

Napatingin naman sa akin si Miya

"What?" natatawa kong tanong sa kanya

"Sana all afford ang stuffed toy" Sabi nito sa akin.

Ginulo ko naman 'yong buhok niya.

"Gift ko 'to sa'yo" sabi ko sa kanya

"Talaga po, Ate? Salamat!" sabi nito sa akin at sabay yakap.

Ibinigay ko naman agad kay Miya 'yong binili kong stuffed toy tapos gumala pa kami sa resort. I don't know kung nasaan na 'yong isa kasi bigla nalang nawala sa tabi namin ni Miya.

The President's SecretKde žijí příběhy. Začni objevovat