CHAPTER 76

1.2K 34 0
                                    

GLENT's POV

Nandito ako sa headquarters ngayon. Actually kakarating ko lang ngayon galing sa mission ko and papunta na ako sa office ni Alexa ngayon.

Pagkarating ko doon nakita ko naman siyang kumakain ng marshmallows.

"Baby" tawag ko sa kanya

"Hmm?" sabi niya

"Tingin mo, Nasaan na kaya si Armando na 'yon ngayon?" tanong ko sa kanya.

Hindi ko din alam kung bakit ko ito natanong sa kanya. Bigla nalang kasi siyang pumasok sa isip ko.

"Bakit mo naman natanong?" tanong niya sa'kin pabalik

"He's been silent for a long period of period" sabi ko sa kanya

"You should be, happy for that. Right? Hindi na niya kayo ginugulo ni Papa" sabi niya at sumubo ng marshmallow

Napangiti naman ako ng banggitin niya ang katagang “Papa”

"Alam ko naman 'yon, By. Ang akin lang is pa'no nalang kung bigla na naman siyang sumulpot coming from somewhere like what he did before" sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya at tumingin sa'kin ng diretso.

"Hindi ka na nag-iisa sa laban na 'to ngayon, Glent. You have me right? Tsaka ano pang kinakatakot mo? Agent ka na 'di ba?" sabi niya sa'kin

Tumango naman ako. I stood up and kiss the top of her head.

Napaka swerte ko talaga sa babaeng 'to.

"Tama ka, Baby. I have you now. Ngayon pa ba ako matatakot?" sabi ko sa kanya

"Ang kung susulpot siya bigla edi patayin. As simple as that para wala ng problema" Alexa said at tumawa ng mahina.

Natawa nalang din ako.

"So, how's your mission?" tanong sa'kin ni Alexa.

"Okay lang. Madali lang naman 'yon eh" sabi ko sa kanya

"Madami bang chix do'n?" tanong niya sa'kin bigla

Napakunot-noo naman ako.

Here we go again. Tinotopak na naman bigla.

"Hindi ka makasagot? Maraming chix do'n 'no?" tanong niya sa'kin at sinamaan ako bigla ng tingin

Napabuntong-hininga nalang ako at niyakap sa kanya at sinubsob mukha ko sa dibdib niya.

"Kahit maraming chix do'n sayo parin ako. Ayaw ko sa mga 'yon. Tsaka engage na ako sayo? 'Di ba? Bakit pa ako maghahanap ng iba?" sabi ko sa kanya.

"Sus! Sana dinalhan mo ako ng isang chix" sabi niya

"The F, Alexa?" tanong ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Ito naman 'di na mabiro!" sabi niya sabay tawa ng malakas

May topak nga!

Tumayo naman siya at hinila ang kamay ko.

"Saan tayo pupunta? Hoy! Teka lang. 'Di mo naman kailangan manghila eh" sabi ko sa kanya

Tumawa lang siya at patuloy parin sa paghila sa'kin. 'Di nalang ako pumalag at nagpahila nalang din sa kanya

Nandito na kami sa Infirmary ngayon. Dito lang pala balak pumunta eh, nanghihila pa.

The President's SecretWhere stories live. Discover now