CHAPTER 28

1.5K 51 3
                                    

ALEXA's POV

Nandito kami ngayon sa bahay and sobrang busy naming tatlo sa paglilinis ng bahay kasi nga dadating daw sina Mommy at Daddy ngayon.

Si Kuya Zeus busy siya sa labas ng bahay samantalang kaming dalawa naman ni Miya ang nandito sa kusina para maghanda ng mga pagkain.

Medyo marami din 'yong hinanda namin pero hindi naman gano'n karami 'yong hindi namin, sakto lang sa amin. Sayang naman kasi kapag hindi naubos at itatapon nalang.

Nag roasted chicken, menudo, calderita, adobo, kare-kare, sisig and steak para sa ulam.

Ako nga pala ang na assign na magluto ng ulam tapos si Miya naman ang nag prepare ng mga desserts. She make some baked mac, spaghetti, leche flan and brownies.

Nang matapos ko ng ma slice ang lahat ng lulutuin ko nagsimula na akong magluto. Miya also did the same thing.

"Alexa, open the aircon" Miya said habang nagpunas ng pawis gamit 'yong likod ng kamay niya.

Napatingin naman ako sa kanya. She just laugh ng makita ang reaction ko. Nag peace sign naman siya agad. Kaya napailing nalang ako

"Airconditioner opened" sabi ni Alexa.

I almost forgot na nagpa install nga pala kami. Kaya ngayon Daph na ang itatawag nila sa akin instead of Alexa

"Priceless masyado ang reaction mo, Ate Girl" Miya said habang tumatawa.

"Sorry naman. Nakalimutan ko kasing nagpa-install nga pala tayo kaya akala ko tuloy inuutusan mo ako" sabi ko sa kanya at natawa nalang din.

Sabagay, pinagpapawisan na rin naman ako. Hindi kasi namin binuksan 'yong aircon kaninang umaga.

~~~~~~

It's already 11AM ng matapos kaming dalawa ni Miya sa mga hinanda namin sa kusina. Si Kuya naman mukhang tapos na rin sa iba pang mga gawaing bahay. 'Yan ang kuya namin. Hindi lang puro pa pogi ang alam gawin kasi hindi naman pogi hahaha.

"Ate, kinakabahan ako baka kasi strict sila" Miya said

"H'wag ka ngang kabahan" sabi ko naman sa kanya at tinapik ito sa balikat.

"Tsaka, mabait sila Mommy at Daddy. Tingnan mo lang mamaya. Baka ma stress ka pa sa dalawang 'yon" sabi ko naman sa kanya at natawa

Totoo naman eh! Nakaka stress talaga silang dalawa minsan.

After a minute, nakarinig naman kami ng may nag doorbell. I think, sila na yata 'yan. Agad naman kaming pumunta sa living room.

Kuya opened the door at pumunta ng gate. Pagkalipas ng ilang taon, charot. Minuto lang naman po. Naunang pumasok si Kuya.

"My Princesses" bungad ni Daddy sa amin with his arm extended wide.

Agad naman akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Ikaw anak? Hindi mo ba yayakapin si Dad?" tanong ni Dad kay Miya.

Agad namang lumapit si Miya sa amin at nakiyakap na rin. I know, naiilang pa siya sa parents namin and I also know na masasanay din siya.

The President's SecretWhere stories live. Discover now