CHAPTER 62

1.1K 41 0
                                    

ALEXA's POV

Pagkatapos sumuka ni Glent naglakad na kami para maghanap ng stall na may benebentang bottled water. Nauna naman akong naglakad at sumunod lang siya sa'kin.

Tsk!

Nandito na ako sa isang stall ngayon. Agad naman akong bumili ng bottled water. Dalawa na ang binili ko para tig i-isa kami. Lumingon naman ako sa likuran ko para ibigay na sana ang tubig kay Glent pero nagulat ako ng wala siya sa likuran ko. Kahit anino niya wala.

Napamura naman ako. Akala ko ba sumusunod lang siya sa'kin? 

Taena!

Baka hinimatay 'yon. Naku naman oh!

Tumakbo naman ako pabalik sa dinaanan namin. I'm just hoping na nandoon siya at hindi naman ako nabigo. Nandito nga siya, naka upo siya sa sahig at tinatakpan ng kamay 'yong mga mata niya.

Jusko, date ba talaga 'to? Hahahaha.

"What the heck?" mura ko naman.

"Hoy! Lubayan niyo nga 'yang boyfriend ko!" sigaw ko sa dalawang clown.

Yup, pinagti-tripan si Glent ng dalawang clown. Takot na takot pa naman siya sa ganyan. I remember the time na pinagtripan ko siya before.

Nainis naman ako nang hindi nila ako pinansin. Mga hinayupak na 'to!

"Sabing layuan niyo boyfriend ko!" sigaw ko ulit at binato sa dalawang clown 'yong bottled water na dala ko.

Double Headshot!

Lumapit naman ako sa kanila. Pumunta ako sa harapan ni Glent.

"Ano? Hindi pa ba sapat 'yong pagbato ko sa inyong dalawa?" tanong ko sa kanila.

Tumawa lang sila.

Loko 'to ah!

"Aalis kayo o hindi?" tanong ko sa kanila.

Tawa lang sila nang tawa kaya sinapak ko na ang mga ito.

"Loko kayo ah! Nangigigil ako sa mga pagmumukha niyo!" sabi ko sa kanila.

Akmang susuntukn ko na sila kaso bigla silang tumakbo papalayo habang tumatawa.

Mga gago 'yon ah!

"SUBUKAN NIYO LANG ULIT PAGTRIPAN 'TONG LALAKING 'TO! BABALATAN KO TALAGA KAYONG DALAWA NG BUHAY!" sigaw ko sa dalawa.

Kawawa naman 'yong boyfriend ko. Umiiyak na naman siya.

"Hoy! Tumayo ka na d'yan! Umuwi na tayo" sabi ko sa kanya.

Umiling naman siya.

Here we go again.

Nag-iisip bata na naman. Bwesit naman oh!

"Fine!"

"Just wait for me here! 'wag kang aalis d'yan" sabi ko sa kanya.

The President's SecretOnde histórias criam vida. Descubra agora