CHAPTER 4

3.1K 85 1
                                    

ALEXA's POV

"Anong nangyari sa kanya, Daph" bungad sa 'min ni Ate Ella nang makapasok kami sa infirmary.

Ate Ella is one of our doctors here in our HQ.

"Nagkaroon po siya ng sprain, Doc" sabi ko naman sa kanya.

Agad namang lumapit sa 'min si Ate Ella 'tsaka tiningnan ang paa ni Miya.

"Oh, I see. Hindi naman malala 'yong case mo, Hija. For now, dito ka muna sa infirmary namin and h'wag kang matakot mababait 'yong mga staff dito" Ate Ella said.

"Pagaling ka, Miya" Alucard said.

Tumango naman si Miya at nginitian si Alucard. I smell something fishy here. Sana all malansa. Nagpaalam naman si Alu sa 'min na mauuna na raw siya. Ate Ella called some nurse para alalayan si Miya.

Akmang aalis na sana si Ate Ella but I stop her.

"Bakit, Daph?" nagtatakang tanong niya sa 'kin.

"Ikaw na po ang bahala sa kanya".

Tumango naman siya.

"Sige, Daph" sabi niya at nginitian niya ako for assurance.

Nagpaalam na siya sa 'kin kasi madami pa raw siyang gagawin, dahil doon lumabas na ako sa infirmary. Bumalik na ako sa office ko, it's already 3PM.

Pagpasok ko sa office agad namang bumungad sa 'kin ang mukhang ng kapatid ko. Tsk! Just like what I expect. Nandito nga siya sa loob at ang walang hiya sa swivel chair ko pa talaga umupo. Kapal ng mukha eh. Feeling niya office niya 'to.

"Sino 'yong babaeng kasama niyo?" He asked me.

Sinabi ko naman sa kanya ang tungkol kay Miya

"Kawawa naman pala siya. So, what's your plan now?"

"Hmm. I'm thinking, actually kanina ko pa 'to naisip habang papunta palang kami dito" sabi ko sa kanya.

Kuya look at me with curiosity.

"Spill it"

"I'm thinking pano kung sa bahay nalang siya titira? I mean, E-adopt natin siya. Like ituring natin siyang bunso natin kahit hindi natin siya kadugo. Kawawa naman kasi 'yong bata eh" paliwanag ko sa kanya.

"Pwede rin, tutal tayong dalawa lang naman sa bahay and nakakasawa na rin 'yang pagmumukha mo tingnan" Kuya said dahilan para irapan ko siya

"Baka nakakalimutan mong magkamukha tayong dalawa" Paalala ko sa kanya.

Yup, kaming dalawa lang ng mokong na 'yan ang nakatira sa bahay namin. Nasa ibang bansa kasi parents namin doing their business charot hahaha doon sila na assign sa ibang bansa as Agents din. Wala din kaming maids sa bahay kasi 'di lang namin gusto ni Kuya.

"Sinabihan mo na ba si Miya regarding to this?"

Umiling naman ako.

"Hindi pa, siguro kapag magaling na siya saka ko nalang sasabihin sa kanya" sagot ko sa kanya.

" 'Yang kamay mo? Ayos lang ba 'yan?" He asked me may halong worried 'yong pagkakatanong niya.

The President's SecretWhere stories live. Discover now