CHAPTER 21

1.6K 54 0
                                    

ALEXA's POV

Sobrang bilis ng oras. Hindi namin namalayan na monday na ngayon and this coming wednesday na magsisimula ang foundation day.

Kaya naman ito na kaming mga officers todo prepare at decorate sa campus. Like what the heck? ang laki pa naman nitong campus.

Buti nalang naglabas ng memorandum ang President ng school na instead of having classess this week gamitin nalang 'yong time para sa pag decorate ng campus.

"Pres, nandito na po 'yong tarpaulin" sabi ni Jerica.

"Paki bigay nalang kay Alucard at Dyrroth"

Agad naman itong sumunod. Busy pa kasi ako sa pag check sa area namin.

After a minute, bumalik si Jerica sa akin at sinabing naibigay na niya sa dalawa ang tarp.

Tumango nalang ako at pumunta sa tapat ng Education building.

Nakita ko naman 'yong dalawa sa itaas.

Nang makita nila ako, I gave them a sign na ibaba na ang tarp which is sinunod naman agad nila.

Sakto naman 'yong pagkalagay nila ng tarpaulin.

Nga pala, 'yong logo ng program namin is Red Eagles.

Nang matapos na 'yong pagkabit ng tarpaulin sa building pumunta naman ako sa Trade fair para kumustahin 'yong trababo ng mga Education students

"Good job guys" bati ko sa kanila.

They are doing well.

After ko sa trade fair pumunta naman ako sa function hall ng Building kung saan nag re-rehearse ang mga contestants for the singing and dancing competition. Pumunta naman ako sa Speech laboratory kung saan nag pa-practice ang contestant for the literary contest.

Nang matapos ko itong e check. Nakipag meet naman ako sa mga taga TLE students kasi sila ang mag po-provide ng snacks for the students and players.

"Is everything fine here?" I asked them

"Totally fine, Ms. President! Wala kang dapat ikabahala" Sabi ng isang estudyante ng TLE Major.

Tumango naman ako at nagpaalam na sa kanila.

Stress na lola niyo kakaikot sa building para e check. Kahit may mga officers sa ibang areas. I'm still conducting a double check para makasigurado na maayos talaga ang lahat.

Umalis na ako at pumunta sa mga players na naghahanda rin para sa games nila. They're training so hard para sa games.

Lastly, pumunta na akong GYM kung saan nag re-rehearse ang mga candidates para sa pageant.

Pagdating ko doon nag rehearsals na nga sila. Marami ring mga officers by program ang nandito sa loob ng GYM. Checking for their candidates.

"Pres"

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Si Justin lang pala.

"Oh? Just. Okay na ba ang iba—" hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko.

"Alexa, calm down. Everything is under control" natatawang sabi niya.

Tumango nalang ako at pinanood na ang candidates habang nag pa-practice.

The President's SecretDove le storie prendono vita. Scoprilo ora