CHAPTER 32

1.4K 54 1
                                    

ALEXA's POV

Argh! Ang sakit ng ulo ko!

Agad naman akong napahawak dito dahil sa sobrang, after a minute nang mabawasan na 'yong sakit. Dahan-dahan ko namang idinilat 'yong mga mata ko tapos kinusot-kusot ito para luminaw 'yong paningin ko.

"Kuya, gising na po si Ate Alexa" rinig kong sabi ni Miya.

Teka! Paano ako nakarating dito sa kwarto namin? Ang huli kong matandaan ay nasa bar ako kagabi ah?

Pinilit ko namang alalahanin ang mga nangyari kagabi at kung papaano ako nakarating dito sa kwarto namin pero wala talaga akong matandaan. Mas lalo lang tuloy nitong pinapasakit 'yong ulo ko.

"Kainin mo 'tong lugaw oh! Para mawala 'yang hang over mo! Langya ka" Sabi ni Kuya.

Agad ko namang kinuha 'yong lugaw na inabot niya sa akin.

"Naku! Buti nalang at ligtas ka, Ate" Sabi ni Miya dahilan para magtaka ako at lalong na curious kung ano ba talaga ang nangyari kagabi.

"Bakit? May nangyari ba kagabi?!" takang tanong ko sa kanilang dalawa.

Tumango naman si Kuya bago nagsalita.

"May isang bangkay ng lalaki kagabi na nagtapuan sa may halamanan dito sa resort malapit sa beach. Mayroon itong tatlong saksak sa dibdib na siyang naging dahilan para sa agaran nitong pagkamatay" sabi ni Kuya.

Agad naman akong napatingin kay Miya at tumango naman siya.

Alam na niya 'yong gusto kong itanong sa kaniya.

"Opo, Ate. Hindi ko lang alam kung namamalikmata lang ba ako sa mga oras na 'yon o hindi. May nakita kasi akong isang lalaki na parang hinila sa may halamanan kaya ako napatingin dito. Na confirm ko lang na may nakita nga ako ng makita ko 'yong bangkay" Paliwanag naman ni Miya.

"Shit naman oh! Bakit pa kasi ako uminom kagabi! Edi sana nandoon ako" tanging nasabi ko nalang

Wala na eh!

Tapos na!

"Papaano nga pala ako nakapunta dito sa kwarto natin?" tanong ko sa kanila

Nagkatinginan naman silang dalawa saglit tapos tumingin sa akin ng may nakakalokong ngiti. Imbes na magsalita sila at sagutin 'yong tinanong ko. Napatingin naman sila sa suot kong damit.

T-teka!

Hindi ko naman damit 'to ah? Or kay Miya?! Lalo namang walang ganitong damit si Kuya.

To make it clear! Inamoy ko naman ang suot kong damit ngayon.Oversized t-shirt to sa'kin eh. Halatang lalaki ang may ari ng damit.

Bahagya naman akong natigilan ng maging pamilyar sa akin ang amoy.

This chocolate scent!

Agad naman akong napatingin sa dalawa na siyant nakatingin din sa'kin ngayon habang tumatango at nakangiti. Mapang asar na ngiti to be exact.

"No! Sabihin niyong hindi siya ang nagdala sa akin dito! Like no way?!" sabi ko sa kanila.

"Sus! Ikaw na nga 'tong tinulungan ng tao. Hay Naku!" sabi ni Miya at nag crossed arm tsaka inirapan ako.

"Miya was right, wag ka ng mag inarte d'yan. Kung tutuosin ang laki nang naging utang mo kay Glent! Not just utang na loob but financially din" Kuya said

Inirapan ko nalang siya.

Kung alam ko lang . . . baka binibiro na naman nila ako dahil hindi ko matandaan kung ano talaga ang mga nangyari kagabi.

Psh!

"Tsk! Para sa simpleng paghatid lang sa'kin dito sa kwarto,. Malaking utang na loob na agad?" tanong ko kay Kuya.

Napataas naman 'yong mga kilay nila kaya naman bigla akong kinabahan.

"B–bakit ganyan kayo makatingin sa akin?" tanong ko sa kanila.

"Ate! Hindi ka lang niya basta-bastang hinatid dito sa kwarto!" Sabi ni Miya sa akin.

Naguluhan naman ako dahil sa sinabi niya.

"What do you mean by that, Miya?" takang tanong ko sa kanya.

Hindi ko talaga gets kung ano 'yong mga sinasabi nila sa akin.

"Kuya, ikaw na nga mag explain sa kanya" sabi naman ni Miya kay Kuya.

Natawa naman si Kuya tsaka tumingin sa akin.

"Let's go back to you, my dearest kambal" seryosong sabi ni Kuya.

"Ano ba kasi ang ginawa ko?" tanong ko sa kanya

Pinilit ko ulit na alalahanin ang mga nangyari kagabi pero kahit anong pilit kong alalahanin, wala talagang pumapasok sa isipan ko.

"Gusto mo talagang malaman ang mga ginawa mo kagabi?" tanong ni Kuya sa akin.

Agad naman akong tumango.

"First, naabutan ka ni Glent na lasing na lasing na at pilit na kinukulit ang bartender to have more drinks pero pinigilan ka niya.

Second, siya na ang nagbayad sa lahat ng bills mo sa bar. AS IN L-A-H-A-T LAHAT!

Third . . ."

Hala! Ginawa ko talaga 'yon at seryoso ba silang si Glent ang nagbayad sa lahat ng ininom ko kagabi?

What the heck! Nakakahiya ah!

" . . . 'Yang t-shirt na suot mo. Sa kanya 'yan. Pinasuot niya sa'yo kagabi para hindi ka mabastos ng ibang lalaking umiinom at dumadaan.

Fourth, Sumuka ka sa harap niya. Gross, right?

Fifth, Sinabihan mo siyang asong ulol.

And lastly, nakatulog ka sa buhangin kaya ka niya binuhat at dinala dito" Kuya said tsaka tinaasan ako ng isang kilay.

Natawa naman ako.

Seryoso 'yon? That I really tell him na mukha siyang asong ulol?!

"Kaya sobrang laki ng utang ng loob mo sa kanya, girl" Kuya.

"Seryoso? Ginawa niya lahat ng 'yon?" tanong ko sa kanila.

Tumango naman silang dalawa.

What the heck? Nakakahiyaaaaaaa ka self.

Hindi nalang ako nagsalita at kinain nalang 'yong lugaw.

"Hindi naman nagalit sina Mommy at Daddy. 'Di ba?" I asked them after kong kumain.

"Luckily, hindi. Pag 'yon nagalit paniguradong grounded abot mo" Sabi ni Kuya.

Salamat naman kung gan'on!
Akala ko pa naman galit sila kasi nalasing ako kagabi.

Bakit kasi hindi ko matandaan ang mga nangyari kagabi?! Kainis naman oh?!

Tumayo naman ako at pumasok sa banyo para maghilamos. Miya and Kuya just waited me outside.

Sabay naman kaming pumunta ng restaurant. Nandito na pala sina Mommy at Daddy.

"Kumain na kayo" Dad said.

Agad naman kaming umupo at kumain na. Actually, sila lang 'yong kumain since busog pa ako dahil sa kinain kong lugaw kanina kaya naman uminom nalang ako ng kape para mabawasan 'yong hang over ko.

"Hindi ka kakain, Princess?" Daddy asked me.

Umiling naman ako

"Busog pa po ako sa lugaw na dinala nina Kuya kanina" sabi ko kay Daddy.

Tumango naman ito at nagpatuloy na sa pagkain.

The President's SecretWhere stories live. Discover now