CHAPTER 27

1.5K 57 8
                                    

GLENT's POV

Nandito parin ako sa parking lot ng school ngayon at nagtatago sa likod ng mga kotse.

Tangina!

Kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka kasi maramdaman nila na may iba pang tao rito sa parking lot maliban sa kanila.

"Let's go" rinig kong sabi ni Alexa sa mga kasama niya.

Ayan na!

Papatayin na yata nila kaming lahat na nandito sa school.

Nagtago naman ako ng mabuti. Baka kasi makita nila ako pag dumaan sila dito at ako pa ang una nilang mapatay.

That's a no! Gusto ko pang makita ang anak ko na lumaki.

Nagulat naman ako ng naglakad silang lahat papunta sa gate.

I thought papatayin nila kami? Eh bakit sila lalabas ng gate?

Para mahinto 'yong mga katanungan sa isipan ko. Tahimik ko nalang silang  sinundan sa labas ng gate.

Nagmumukha na akong stalker dito tangina.

Nang makalabas kami. Nakarinig naman ako ng mga putukan ng baril kaya medyo naging alerto ako. Gago, baka sa kakatago ko rito hindi ko na alam na may nakatutok na palang baril sa ulo ko.

Nakita ko namang nakipagpalitan sina Alexa ng putok sa mga lalaking armado.

'Yong isang babae naman ay tinutulungan ang isang police officer na parang tinamaan sa bandang braso. Napatingin naman ako sa gawi ni Alexa na patuloy pa rin sa pamamaril.

Tangina. Isipin niyo, isang babaeng naka suot ng pink mini dress na walang takot na nakikipagbarilan sa mga armadong lalaki

Mukhang mali yata ang hinala ko na killer sina Alexa at papatayin nila kami.

Dahil sa sobrang dami nila Alexa, walang nagawa 'yong mga armadong lalaki kundi ang tumakas nalang.

Patuloy pa rin sa pamamaril sina Alex sa papaalis na kotse

Bakit parang pamilyar sa akin 'yong isa sa mga armadong lalaki? I think I saw him before! Hindi ko lang matandaan kung saan at kelan.

"I already called an ambulance" sabi ng babae kay Alexa.

"Good job, bunso" sabi ni Alexa sa babae sabay tapik sa balikat nito.

What did she just say? Bunso? May kapatid pa pala sila? I thought silang dalawa lang ni Alex.

After a minute nakarinig naman ako ng siren. Dumating na pala 'yong ambulance na tinawag ng babae. Kasunod nito dumating naman ang isang patrol car.

Nagulat naman ako dahil lumabas sa patrol car ang Chief of police.

"Salamat sa inyong agarang pag responde mga bata. Kung hindi dahil sa inyo baka namatay na ang mga tropa namin" rinig kong sabi nito kina Alexa sabay saludo

Sumaludo naman sina Alexa sa pulis.

"Sir, sino ba 'yong mga armadong lalaki?" rinig ko namang tanong ng babae sa police officer

"Ah. sila 'yong mga most wanted dito sa city" sabi ng police officer.

What the heck?

Kaya pala pamilyar sa akin 'yong isa kanila.

"Don't worry, we will do our best para mahuli namin sila" paliwanag nito kina Alexa.

Tumango naman sila

"Umuwi na kayo mga bata, hindi ligtas para sa inyo namanatili dito. Dis-oras na ng gabi" sabi ng pulis.

Sumaludo naman sina Alexa dito at ganoon din ang ginawa ng pulis sa kanila.

The President's SecretWhere stories live. Discover now