CHAPTER 47

1.3K 46 18
                                    

ALEXA's POV

Nakakailang sukat na ako ng gown ngayon kasi hindi ko bet 'yong iba eh.

" 'Yan po, Ma'am. Bagay po sa inyo" sabi ng saleslady sa'kin.

Tumingin naman ako sa salamin. Yes, she's right bumagay nga sa'kin ang black na gown. Elegant at it's finest.

"Sige, ito nalang kukunin ko" sabi ko sa saleslady.

Pumasok na ulit ako sa fitting room para magpalit ng damit. Nga pala, wala si Glent dito ngayon. Ewan ko kung saan 'yon pumunta basta ang sabi niya hintayin ko lang siya dito sa loob.

Pagkatapos kong magbihis binayaran ko nalang 'yong gown na binili ko. He gave me the money bago siya umalis. Halos mag isang oras naman akong nag antay sa kanya bago siya dumating.

"Let's go?" tanong niya sa'kin.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Hoy! Ano? Tara na? Alam kong gwapo ako, babe!" sabi niya sa'kin tsaka hinila ang kamay ko.

Bakit gan'on? Hindi naman ako ganito dati... What is the meaning of this?

His new hairstyle suits him well at mas naging gwapo pa siya dahil dito.

Omyghad! What am I saying! Bakit ko ba pinupuri ang hayop na 'to?

"Kuya, dalawang milktea nga po" sabi ni Glent

"Sir, jowa mo po?" tanong ng babaeng  kasama ng lalaki sa stall.

"Naku! Ate hindi po—"

"Hindi po ate... She's my wife" sabi ni Glent tapos nginitian 'yong babae

"Wow, congrats. Sir, paniguradong magiging maganda or gwapo magiging anak niyo" natatawang sabi ng lalaki kay Glent sabay abot ng milktea

"Sa tingin niyo, Kuya?" Glent said.

Tumango naman 'yong lalaki.

"Hear that babe? Gwapo at maganda daw magiging anak natin" sabi ni Glent sa'kin

Nag paalam na kami doon sa dalawa

"Mandiri ka nga, Glent! Bwesit ka talaga" Sabi ko sa kanya at humigop sa milktea ko na binili ni Glent.

"Try lang natin, Alexa. Malay mo totoo 'di ba?" tanong niya sa'kin.

"Tanginamo!" Sabi ko sa kanya at sinuntok siya sa braso gamit 'yong isa kong kamay.

Siya nga pala nagdala ng paper bag na may lamang gown. Dapat lang na siya magdala kasi siya 'yong lalaki eh

Natawa naman siya.

Hinatid naman ako ni Glent pauwi sa bahay

"I'll fetch you later, around 7:00 PM" paalam sa'kin ni Glent.

Pagkaalis ni Glent agad naman akong sumakay sa kotse ko at nagmaneho papunta sa HQ para kumuha ng earpiece, mic at handgun.

The President's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon