CHAPTER 64

1.1K 32 0
                                    

STEFFY's POV

"Hoy! Alam niyo ba 'yong rumors?"

"Huh? Anong rumors na naman 'yan?"

"Late ka talaga lagi sa balita, beh!"

"Ano palang nangyari, beh?"

"Official ba sina Glent at Alexa. Wala na tayong pag-asa kay Fafa Glent kasi may nanalo na!"

"Excuse me, totoo ba 'yong narinig ko na official na sina Glent at Alexa?" tanong ko sa dalawang babae na nag uusap.

Tsismosa na kung tsismosa. Curious ako eh!

"Yes, Stef" sabi naman ng isang babae.

"Pa'no niyo nalaman?" tanong ko ulit sa kanila.

I hope that it's not true

"Spotted silang dalawa kahapon na nag date sa isang amusement park" sabi naman ng isang babae

Tumango naman ako

"Ah okay" sabi ko nalang sa kanila.

"Excuse me" sabi ko sa kanila at umalis na.

Maybe oras na talaga para magparaya ako.

Sana sa simula palang hindi ko na siya ginusto. Kung alam ko lang na ganito pala ang magiging kahinatnan ko.

Hayss.

Napangiti naman ako ng mapait.

Justine always chooses me no matter what happened. Kahit ilang beses ko siyang pinagtaboy ako parin ang pinipili niya. Nagpakatanga siya para sa'kin kasi mahal na mahal niya ako but binalewala ko 'yong pagmamahal na binigay niya sa'kin kasi mas pinili ko si Glent over him.

Pinili ko 'yong taong hindi kayang suklian ang pagmamahal na gusto ko. Siguro karma na din sa'kin 'to. Karma dahil sa mga ginawa ko kay Justine.

I know how much he loves me pero binalewala ko ang lahat ng 'yon.

Noong araw na namatay siya nang dahil sa'kin. Hindi ako pinatulog ng konsensiya ko. For almost 2 months din akong nagluksa, gabi-gabing umiiyak at sa tuwing matutulog ako bumabalik sa'kin ang nangyari sa kanya.

Some people think na hindi ako nasaktan kasi pinapakita ko na wala akong pakealam sa pagkawala niya but they're all wrong. Kung nasaktan sila. Mas lalo akong nasaktan!

Kung nandito lang sana siya at pwede pang baguhin ang lahat. Siya na 'yong pipiliin ko pero hindi na pwedeng ibalik ang oras eh.

"Miss , are you okay? Bakit ka umiiyak?" rinig kong tanong sa'kin ng isang lalaki

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa garden ngayon habang umiiyak

"S-sorry, may naalala lang akong tao" sabi ko sa kanya.

"Here. Take this baka may makakita pa sa'tin dito at isipin nilang pinaiyak kita" natatawang sabi nito at inabutan ako ng isang panyo.

Kahit nakakahiya,kinuha ko parin 'yong panyo na binigay niya at pinunasan 'yong luha ko.

Amoy downy 'yong panyo niya. Mas naalala ko tuloy si Justine. Amoy downy din kasi ang lalaking 'yon.

The President's SecretWhere stories live. Discover now