CHAPTER 61

1.2K 38 0
                                    

ALEXA's POV

"Hoy! Gusto mo ng streetfoods?" tanong sa'kin ni Glent

Agad namang namilog ang mata ko.

Shit!

Who says no to streetfoods? Myghad! Kahit mayaman kami kumakain parin kami ng gan'ong mga pagkain.

Ang sarap sarap kaya ng streetfoods. Where in fact masarap na mas makakatipid ka pa.

"Libre mo?" tanong ko sa kanya

"Of course" sabi naman ni Glent sa'kin.

"Yes, sure basta treat mo" natatawang sabi ko sa kanya

Hinawakan niya naman 'yong kamay ko at pumunta na kami sa may mga nagtitinda ng streetfoods.

"Kuys, magkano po 'tong isaw, kwek-kwek at kikiam?" tanong ni Glent sa tindero.

"5 pesos pesos po ang isaw, 10 pesos po ang kwek-kwek at 2 pesos ang kikiam" sagot ng tindero sa kanya.

"Sige po, Kuys. Pabili nga ng 20 pieces po ng isaw, 10 pieces ng kwek-kwek at 20 pieces ng kikiam" sabi ni Glent at nginitian si Kuya.

Lumalabas na naman dimples ng mokong.

"Sige po, Sir. Paki antay nalang po 'yong isaw" sabi ni Kuya.

"Okay po" Sabi ni Glent.

Umupo nalang kami sa upuan na nasa tapat lang ng stall ni Kuya. May mesa din dito.

Hinanda naman nang isang bata 'yong kwek-kwek at kikiam habang niluluto naman ni Kuya 'yong isaw.

"Kuya, hot sauce po ba?" tanong ng bata kay Glent.

"Yes, boss" sabi ni Glent at nginitian ang bata.

Ngumiti lang din 'yong bata pabalik kay Glent kahit hindi kumpleto 'yong ngipin niya sa harap. Hayaan niyo na. bata pa kasi. Lahat naman tayo dumaan sa stage na ganyan.

"Kuya, ang gwapo naman po ng anak niyo" sabi ko kay Kuya.

Tumango naman si Glent bilang pag sang ayon.

"Madaming magkakagusto sa kanya. Panigurado 'yan, Kuys" sabi ni Glent.

"Salamat, Ma'am and Sir. Malamang po gwapo din 'yong tatay eh kaya saan pa ba magmamana?" natatawang tanong ni Kuya.

Natawa naman kami ni Glent.

Gwapo din naman si Kuya. No wonder.

"Ano name mo, baby?" tanong ko sa bata.

"Glent Montecarlos po" sabi ni Glent.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya tumahimik ka!" sabi ko sa kanya.

"Baby mo ako 'di ba?" tanong niya sa'kin.

Sinamaan ko nalang ng tingin si Glent.

Nag giggled naman 'yong bata.

Shit! Ang cute!

"Alexander po, Ate" nakangiting sabi ng bata pagkatapos niyang ilapag 'yong pagkain namin sa mesa.

"Alam mo pareho kayo ng pangalan ng Kuya ko. I mean ng kambal ko" sabi ko sa kanya

"Talaga po? May kambal ka po? Hala! Ang astig naman ng gan'on. Sana may kambal din ako" manghang sabi ng bata sa'kin.

"Kuys, wala kayong lahi na may anak na kambal or more?" tanong ni Glent kay Kuya.

"Sad to say, Sir. Wala eh! Kahit ako rin naman ay gustong magkaroon ng kambal but unfortunately. Pareho kami ni Misis na walang kambal kaya sobrang labo talaga magka anak ng kambal" paliwanag ni Kuya sa'min.

The President's SecretWhere stories live. Discover now