CHAPTER 46

1.3K 39 17
                                    

ALEXA's POV

"NAGBIBIRO KA BA?" sigaw ko kay Glent.

"Hindi" seryosong sabi niya sa'kin.

"GANITONG PORMAHAN?" tanong ko sa kanya tapos ituro 'yong sarili ko.

"Why? Wala namang masama sa suot mo ngayon ah! At tsaka bagay naman sayo 'yang t-shirt ko" sabi niya without looking at me.

I can feel my cheek is heating up dahil sa sinabi niya.

"Shut up!" sabi ko nalang sa kanya.

"Totoo naman eh! Mas nakaka attract sa isang babae ang ganyang pormahan kesa naman sa mga babaeng halos lumuwa na 'yong boobs sa damit na suot nila" paliwanag ni Glent

"Sus, kunware ka pa... Gusto mo din naman ang mga gan'on" biro ko sa kanya.

"Hmmm. I admit it...Oo, gusto ko nga ang gan'on basta ikaw lang 'yong babae" sabi ni Glent tapos nginitian ako.

"GLENT MONTECARLOS!" sigaw ko.

"Wag na wag mo nga akong tawagin gamit ang buong pangalan ko" masungit na sabi nito

Wow? Ako na nga 'tong binastos niya tapos ngayon siya pa 'yong galit ngayon? Sapakin ko kaya 'to!

"Bakit? May angal ka?" mataray kong tanong sa kanya.

"Wala... kasi kinikilig ako pag gan'on" sabi nito tapos tumawa pa ng mahina.

"YUCK! BAKLA" natatawa kong sigaw.

"Kaya kong magpaka bakla para sayo, Alexa" seryosong sabi ni Glent.

"Weh? Patunayan mo nga" panghahamon ko sa kanya.

"Just watch it later, Sis" sabi nito sa'kin.

Taena! Parang bakla talaga 'yong boses niya pero infairness parang natural voice niya lang 'yon.

"Panindigan mo 'yang sinabi mo, Glent" sabi ko sa kanya.

"Kahit ikaw pa 'yong panindigan ko, Alexa." sabi nito at nag lip bite pa.

Bwesit talaga siya.

Pagdating namin sa mall pinagbuksan niya naman ako ng pinto kahit kaya ko naman.

Naglakad na kami papunta sa entrance. Napatingin naman sa'min 'yong mga tao. Papaano ba naman isang matangkad at gwapong lalaki tapos may nakabuntot na babaeng naka oversized t-shirt, shorts at sandals na panlalaki.

"Jowa 'yan ng lalaki?"

"Jusko naman ang pangit ng taste niya ghurl. Mas maganda pa nga yata ako d'yan. Sayang si Kuyang pogi"

Nabigla naman ako nang biglang hinila ni Glent 'yong kamay ko at inakbayan ako ng makalapit na ako sa kanya

"Hoy! Mga kutong lupa! Mas maganda pa ingrown ko kesa sa mga pagmumukha niyo. Kung makapagsalita kayo ng ganyan sa BOYFRIEND KO ha?" sabi ni Glent doon sa dalawang babae.

Take note! Boses bakla siya ng sinabi niya 'yon, Sis.

Inirapan niya pa 'yong dalawa.

The President's SecretWhere stories live. Discover now