Chapter 37

26 2 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading 

Hating The Playboy

-ShookedShooky

Umako

I ask my cousin about the issue pero wala naman daw syang naka date na celebrity, kung sina Red daw ay malamang pa kaya hindi ko na din inungkat pa.

Tutal naman ay wala akong duty kaya kagabi palang ay nagtext na ko kay Yandrei, he'll going to date me over dinner kaya marami pa kong oras.

Ang balak ko sanang mag walk jog kasama si Althea kaya lang ay hindi natuloy dahil masama daw ang pakiramdam nya kaya sumama nalang ako sa mga pinsan ko sa gym.

Himala nga at wala silang mga pasok ngayon, napagkasunduan yatang mga mag day off medyo matagal na din naman kasi nung huli kaming magbonding magpipinsan.

Dito sa clubhouse kami dumiretso pagkatapos, balak kasi nilang magswimming maliban yata kay Red na sawa na kakababad sa pool

"Let's play Air!" Sigaw nina Miru

Nagkakasiyahan na sila dun sa pool at naglalaro ng pool volleyball kaya hinatak ko na din si Red at wala syang nagawa kundi lumusong sa pool.

Si Red ang naging scorer namin dahil tinatamad daw syang maglaro, pakiramdam ko ay nabawasan yung stress ko kahit paano, next week kasi ay kailangan ko nang asikasuhin yung mga requirements ko for graduation

Hindi ko nga alam kung makaka attend pa ba ako dahil balak yata akong ipadala sa US para doon kumuha ng license pero pinag-iisipan ko pa din ang bagay na yun.

Sure naman akong sasama si Yandrei if ever na pumayag akong pumunta ng US pero ang inaalala ko ay baka lalo akong mawalan ng time sa kanya, ngayon pa nga lang ay halos hindi na kami mag-usap dahil sa busy kong schedule, what more kung itutuloy ko pa yung sa US.

Baka yun pa yung maging dahilan para maghiwalay ulit kaming dalawa, the lack of time with each other.

Napagpasyahan naming magpipinsan na kina kuya Zy nalang kumain ng tanghalian, ayoko namang sa bahay dahil nandun si Althea at baka makasama lang sa kanya kapag nagkita sila ng pinsan ko.

Not now, masyado pang mahina yung kapit nung bata, baka kung ano lang ang mangyari

Nagkanya-kanya kaming pwesto sa sala habang naghihintay na makaluto yung cook nina kuya, hindi naman ako nag-aalala dahil naiwan dun si Althea, nandun naman sina manang para asikasuhin sya.

Hating The Playboy (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu