Chapter 25

24 2 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading 

Hating The Playboy

-ShookedShooky

Issues

Hindi na ko pumasok sa klase ko ngayong araw dahil inaaral ko ang data ng experiment na ginagawa namin.

Inis akong tumayo at tinanggal ang lab coat na suot ko saka ako lumabas, our experiment was failed again at hindi ko matukoy kung anong kulang o mali sa procedures na ginawa namin.

"Ba't nakasimangot ka na naman?" Tanong ni Chance ng tawagan ko sya through Skype

"Our experiment failed again at malapit na kong maubusan ng pasensya kung paano ba yun magagawa ng tama, we need to make it successful kundi ay bababa ang grade ko" sagot ko saka bumuntong hininga

"I'll help you later, tawagan mo ko kapag nasa bahay ka na saka natin ianalyze isa-isa yung mga data pati procedures na ginawa nyo, okay?" Saad nya kaya tumango ako

"You're really the best, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. I'll hung up now, I know you're busy too" saad ko saka ko pinutol ang tawag pagtapos magpaalam

Nagkakagulo sa may bulletin nung makababa ako galing sa rooftop hindi ko na sana papansinin kundi ako tinawag ni Yui na may hawak na mga pictures at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Air, you have to see this!" Kaagad sabi nito nang makalapit ako

It's my pictures with different men, pero ang nakapagpainit lalo ng ulo ko ay ang picture ko na may kasamang lalaki at papasok ng hotel at nakaakbay pa ang lalaki sakin

How dare that person make this kind of lies infront of me, malaman ko lang kung sinong nasa likod ng mga pictures na to ay humanda sya sakin.

"Go to private room now!"

Halos manigas ako nang marinig ko ang galit boses ni kuya Zylliox na kahit ang ibang mga estudyante ay ganun din

Kalmado ang mukha ko nang humarap ako sa pinsan ko pero puno ng galit ang mga mata ko saka ako walang imik na sumunod sa kanya hanggang makarating kami ng private room at nandun silang lahat habang nagkalat sa mesa ang mga pictures na nakita ko kanina.

Mahigpit ang pagkakayukom ng mga kamao ko habang nagpipigil na sumabog sa galit

"What is the meaning of this pictures? I had to cancel my meetings dahil sa mga to!" Galit na sigaw ni kuya Zylliox

"Ilang beses nang nangyayari to Air, kailan ka ba magtitino?" Sermon naman ni kuya Jeth

"Another fucking lies again para siraan na naman ako. Don't you really think I'm that stupid para magdala ng lalaki sa mismong hotel na pagmamay-ari nina tito Adrian? Bullshit! I'm not that desperate!" Galit na sigaw ko saka ako lumabas at padabog na sinara ang  pinto

Imbis na sa bahay ay sa condo ng isang pinsan namin ako dumiretso, anak sya ng kapatid ni Mommy na si tito Raven, siguradong hindi nila ako hahanapin dito dahil hindi naman kami close ng pinsan namin na yun.

I can't believe it, parang mas naniniwala pa sila sa mga pictures na yun kaysa sa sarili nilang pinsan na ilang taon na nilang nakasama.

Iba't ibang issues na rin ang kinasangkutan ng mga pinsan ko pero hindi ako naniwala sa mga yun at sa kanila lang nagtiwala dahil alam kong hindi nila kayang gawin ang mga yun but they judge me so easily and it's really disappointing.

Hating The Playboy (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara