Chapter 33

23 2 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading

Hating The Playboy

-ShookedShooky

Ganti

Pumasok na din ako sa university pagkatapos kong magmukmok ng dalawang araw sa bahay after naming mag-usap ni Yandrei.

"May hinahanap ka Air?" Napalingon ako nang magsalita si Yuki

"Nagtataka lang ako kasi hindi ko pa nakikita si Yui mula pa kaninang umaga" sagot ko

"Baka busy lang. Maiwan na pala kita, may gagawin pa ko" isang tango lang ang sinagot ko

I heave a heavy sigh saka ako lumabas ng PR para kumain sa restau dahil wala ang dalawa kong pinsan at parehong busy sa kung ano.

"Air, ngayon lang kita nakita, busy ka?" Umiling ako kay Troy na kasama si Denise

"Absent ako nung nakaraan. Si Yui ba busy?" Mukha naman silang nagulat sa tanong ko

"Hindi mo ba alam ang nangyari two days ago Air?" Hindi ko alam pero bigla akong binundol ng matinding kaba

"Hindi, anong meron?" Lakas loob kong tanong

"Pumunta sina Yui sa japan two days ago dahil pinatawag nga sila ng lola nila but something happened. Naaksidente sina Yandrei habang papunta ng airport para sunduin ang isa nilang pinsan galing china. Umalis sina Aikee kahapon nang matanggap namin yung tawag galing sa Daddy nila susunod din kami dun bukas" bigla akong nanghina at muntik pang matumba buti nalang ay nakahawak ako kay Troy

"Okay ka lang Air?" Nangangatal ang labi ko at hindi ako makasagot

Nag-uumpisa na ding manlabo ang mata ko at sumikip ang dibdib ko dahil sa binalita nila

"A-anong lagay.. n-nya, nila?" The fuck I care kung umiyak man ako sa harapan nilang dalawa ang importante ay malaman ko kung kamusta na sya

"He's still under observation dahil malakas ang pagkakabagok ng ulo nya mula sa aksidente at wala parin syang malay hanggang ngayon, okay naman na si Yui though may mga sugat at pasa sya" napahagulgol na ko sa harapan nilang dalawa

"I'll go with you tomorrow" hinayaan ko lang na aluin ako ni Denise

"4am ang flight bukas pero pwede ka namang sumunod nalang sa amin kundi hindi kaya ng schedule mo, I'll send you the address" umiling ako

"Just send me the address at hahabol ako sa flight bukas" saad ko saka ako nagpaalam sa kanila

I need to finish everything today para makahabol ako sa kanila bukas, lahat ng kailangan kong ipasa ay binigay ko kay Khalil.

Hating The Playboy (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin