Chapter 1

128 9 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading

Hating The Playboy

-ShookedShooky

Umagang-umaga palang dinig ko na yung malakas na tawanan ng mga pinsan ko na paniguradong nasa pool area kaya binaba ko na yung binabasa kong libro saka yun tinabi dahil paniguradong maya-maya ay aakyat na sina Miru at Saji dito para pababain ako.

Hindi ko na sana balak pang sumama sa kanila na mag out of the country kaya lang yung dalawang makulit na babaeng yun inimpake yung mga gamit ko ng wala akong kaalam-alam, basta nagising nalang ako na nasa airport na kami at tinatawag na yung flight namin kaya wala din akong nagawa kundi sumama.

"Hoy Air, alam naming gising ka na kaya lumabas ka na dyan at samahan mo kami sa baba!" Sigaw ni Saji habang kumakatok sa pinto.

Bagot akong tumayo mula sa pagkakasandal sa kama ko saka ako naglakad palapit sa pinto at binuksan yun, tumambad sa akin yung nakangiting mukha nung dalawa.

"Kung ano mang kalokohang ang naiisip nyong dalawa, hindi ako makikisali sa inyo" saad ko saka ako lumabas at dire-diretso ng lakad papunta sa may pool area

Paniguradong may pagkain nang nakahain dun dahil matatakaw ang mga pinsan ko

Naabutan kong nagtutulakan sa pool sina Light at Red na pareho namang itinulak ni Lyric kaya nahulog silang pareho

"Hayop ka, Lyric!" Magkasabay na sigaw ng dalawa na tinawanan lang ng huli

Mga abnormal talaga, minsan nga nagtataka ako kung paano ko ba naging pinsan ang mga siraulong yan samantalang hindi naman ganyan si Daddy pero naalala kong mga isa't kalahating may saltik sa utak nga pala ang mga tito ko kaya malamang doon sila nagmana lalong-lalo na si Abcde na kinuha talaga ang ugali ni tito.

"Akala ko wala ka nang balak lumabas ng kwarto mo" bungad ni kuya Zylliox na mukhang kaka ahon lang sa pool tumutulo pa kasi yung tubig galing sa buhok nya

"Wala naman sana kundi lang dahil sa dalawang pasaway na babaeng yun" nakabusangot kong sagot na ikinatawa nya

"Parang hindi ka pa sanay sa dalawang yan, umupo ka na dito at kumain" sabi nya

"Wala yata sina Abcde at Jellal, kuya?" Tanong ko

"Nagpaalam, may lakad daw silang dalawa pero paniguradong mambababae lang dalawang siraulo na yun" sagot nya saka nailing nalang

"Hindi ka pa ba sanay?" Tanong ko

Bumuntong hininga lang sya bilang sagot kaya hindi na ko umimik at kumain nalang ng tahimik.

Nung sumapit ang hapon, hinila naman ako nung dalawa para magshopping, pero syempre hindi sila pinayagan nina kuya Jeth at kuya Zylliox ng hindi kasama ang isa sa mga pinsan namin kaya asar na asar ang dalawa at panay ang reklamo na tinatawanan lang ng isa.

"Ba't ba kasi kailangan pang may kasamang alalay?" Inis na reklamo ni Miru

"Pwede bang tumahimik ka nalang Miru, kanina pa ko naririndi sa inyo ni Saji" singhal ko na ikinatahimik nya

Humalakhak lang si Light na nasa tabi ko saka ako hinila paalis sa harap nung dalawa.

Nagmukha lang kaming chaperone ni Light dahil sila lang halos nag enjoy sa ginawa nila dapat pala nagkulong nalang ako sa kwarto at inabala nalang yung sarili ko sa pagbabasa.

Busy silang dalawa sa pagpili ng sapatos ng kalabitin ako ni Light kaya nilingon ko sya

"Mens room lang muna ako saglit" paalam nya kaya tumango ako at umupo sa isang bench katabi nung dalawa

Hating The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now