Special Chapter

20 1 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading 

Hating The Playboy

-ShookedShooky

Untold Part of Yandrei Lee Akane

Ang tagal naman matapos ng babaeng yun, paalis na kami para puntahan yung birthday ng current girlfriend ni Xyriel

"Si Yui saan na?" Tanong ko

"Nasa taas pa" sagot ni Grei

Umakyat na ko at tinawag sya, kanina pa sya nandun sa kwarto nya at nagme-make up

"Hoy ang tagal mo, iiwan ka na namin" pagkasabi ko nun ay kaagad syang nagkumahog sa pag-aayos

Napakatagal talaga nya mag-ayos pareho sila nina Denise at Aikee.

Nang makarating kami sa bahay ni Carlie ay bumati lang kami, naagaw ng isang babae ang atensyon ko

Nangingibabaw kasi ang kaputian nya sa lahat ng mga babae na nandito, malamig yung mga mata nyang madilim at tila ba napaka misteryoso

Para bang may nakita na kong ganung klase ng mga mata noon pa pero hindi ko matandaan, kakaiba din ang epekto ng presensya nya sakin

Supposedly ay dapat naghahanap na ko ng magiging girlfriend ngayon pero nakita ko nalang ang sarili kong sinundan ang babaeng yun.

Nakaupo sya sa swing at may kung anong pinagkakaabalahan, she's glowing despite the darkness of the place.

Parang binundol ng kaba yung puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa, I don't know if it's just me pero pamilyar ang pakiramdam na to sakin na para bang naramdaman ko na to dati

Hanggang makauwi ay dala ko parin ang malalim na pag-iisip tungkol sa babeng yun.

Nang makabalik kami ng korea galing sa bakasyon ay bumalik na din ako sa gawain ko, ang mambabae.

I'm just enjoying my youth at isa pa ay pare-pareho lang naman kami ng gawain maliban nalang sa pinsan kong si Cypher na allergic yata sa babae

Si Grei kasi ay masyadong loyal sa feelings nya para sa nakababata kong pinsan

At si Ashton na kasing lamig ng yelo pero halos ibahay naman ang pinsan kong si Winter

"Paselosin mo kasi Dre, malay mo tumalab" mukha naman syang napaisip dahil sa sinabing yun ni Xyriel

"Pano pag hindi?" Tanong naman ni Jhope

"Wala namang mawawala kung susubukan mo" sabi na naman nya

Hating The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now