Chapter 16

30 2 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading

Hating The Playboy

-ShookedShooky

Walang gustong bumasag ng katahimikan nung makarating kaming lahat sa private room nila, wala akong ideya kung bakit ba hanggang dito ay kasama pa ko samatalang labas naman na ko sa problema nila.

"I'll go ahead, I have no business here in the first place" ako na ang bumasag sa katahimikan

"Mamaya na, sabay na tayong bumalik sa room" pigil nya sakin habang napakaseryoso na naman ng mukha

"Vincent is asking me where I am right now, baka isumbong nya ko kay Red kapag hindi nya pa ako nahanap" sabi ko

"Fine, susunod nalang ako" pagsang-ayon nya

Pagkalabas ko ay dumiretso agad ako sa room dahil kanina pa sya text ng text sakin at tinatanong kung nasaan ako.

"Vince!" Tawag ko sa kanya

"Snow! good thing you're here already, kunin mo na yung gamit mo at uuwi tayo" sabi nya

"Why so sudden? at may klase pa ko" tanong ko

"Saji called, dumating na daw sina kuya Maxwell kanina lang" sagot nya

"Pwede namang after nalang ng play tayo umuwi ng pilipinas" sabi ko

"Hindi tayo uuwi ng pilipinas" sagot nya

"Bakit kailangan nating umuwi ngayon?" Naguguluhang tanong ko

"Sila mismo ang umuwi dito at nasa bahay na silang lahat. Gelo is waiting at the parking area" sagot nya

Namilog yung mata ko sa gulat dahil ang plano namin ay kami ang uuwi ng pilipinas at hindi sila ang pupunta dito.

Hindi na ko nakapag-paalam sa kanya dahil kaagad kaming umalis pagkakuha ng gamit ko.

Nakangiting mukha ni Ate Anika ang bumungad sa amin pagkapasok namin ng bahay, dinig na dinig ang malakas na usapan at halakhakan ng mga pinsan ko kaya napangiti ako, I miss them.

"Pula, namiss ka namin!" Sigaw nina Lyric saka nila binatukan si Red na gumati din ng batok sa dalawa

"Si Letra bukas pa daw ng dating" sabi ni Jellal

"Si Ulan, hindi makakapunta at busy daw sya sa klase, ganun din si kuya Aster" Sabi ni Saji

"Si Gray din ay hindi makaka-uwi dito" sabi ni kuya Jeth

"Oh my, ang laki mo na Air, dalaga ka na" sabi ni ate Maxine na hindi maalis ang ngiti

"The last time I saw her she was 9 or 10, at ang liit nya pa nun" segunda naman ni kuya Max

"Sina Miru at Saji din mga dalaga na, may boyfriend na ba kayong dalawa?" Tanong naman ni ate Anika

"Wala ate, hinaharang nila lahat ng gustong lumapit eh" nakangusong sagot ni Saji

"How about you Air, kamusta kayo ni Chance?" Tanong ni ate Maxine

"He's no longer part of my life for years now" walang emosyong sagot ko

No one open the topic about him after, what happened between me and Chance also affect them dahil mula ng umalis sya ay naging tahimik na ko at aloof, alam kong nahirapan sila sa biglang pagbabago ko at alam kong hanggang ngayon ay umaasa parin silang babalik ako sa pagiging masiyahin ko, but I don't think I can.

Hating The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now