Chapter 6

35 2 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading

Hating The Playboy

-ShookedShooky

"Kids, let's go"

Nabalik lang ako mula sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang baritonong boses ni tito Sky na nakatayo sa harapan naming magpipinsan.

Kaming apat lang ang nandito dahil hindi na kami nagpahatid pa sa iba, may mga pasok din sila ngayon kaya hindi na kami nagpaistorbo pa.

Tumayo na ko kasunod ng dalawang pinsan kong lalaki at naglakad na papasok, hindi ko alam pero tila ba napaka bigat ng bawat hakbang ko at hindi rin ako mapakali mula pa kagabi, wala akong ideya kong anong nangyayari sakin.

Halos habulin ko ang sariling hininga ng lumapat ang paa ko paglabas ng eroplanong sinakyan namin mula sa ilang oras na byahe, ramdam ko ang lamig ng klima nila pero hindi nun maibsan ang kakaibang kabang nararamdaman ko.

"Huy, okay ka lang? Namumutla ka" napalingon ako sa pinsan ko na bakas ang pag-aalala sa mukha

"Yeah, kulang lang ako sa tulog" sagot ko nalang

"Magpahinga ka nalang mamaya pagkarating natin" sabi nya kaya tumango lang ako bilang sagot

"Tito Francis already enrolled the two of you, sa Park International kayo papasok mula bukas. Please lang magtino ka ditong bata ka, baka sakalin ka na ng ama mo sa susunod" sabi ni tito saka napahilot sa sintido nya

Alanganing tumango ang pinsan ko habang nakangiwi sa huling sinabi ni Tito, nasa mahigit dalawang oras ang tinagal ng byahe mula sa airport hanggang makarating kami sa bahay nina lolo.

Wala paring pinagbago ang bahay na to, elegante paring tignan at nakakasindak parin ang nakatira.

Sinalubong kami ng mainit na yakap ni lola Maddy saka kami kinamusta

"Nandito na pala ang mga pasaway na apo. Ano, nauubos na ba ang buhok ng mga tatay nyo sa inyo?" sabay-sabay kaming napalingon sa pwesto ni lolo

Napaka istrikto parin ng mukha nito samantalang napaka lambing naman ng mukha ng asawa nito.

"Si Shaun lang yata ang di masyadong namomroblema sa anak dahil takot kay Storm" nakabusangot na sabi ni tito na ikinatawa ni Lola

Nagpaalam na ko sa kanila na magpapahinga na ko kaya kaagad akong umakyat, tomorrow will be our first day in Park International.

"Air, you need to wake up now!" Sigaw ng pinsan ko mula sa labas ng pinto

Kunot noo akong napatingin sa relo na nasa gilid ko, 6:15am kaya pala nakakaramdam na ko ng gutom buong araw pala akong hindi kumain.

Bumangon na ko at ginagawa ang daily routine ko pagkatapos ay bumaba na ko suot ang uniform ng PI, sabay kaming kumain dahil maagang umalis sina lolo pero may driver namang maghahatid sa amin.

Nagtataasan at naglalakihang building ang bumungad sa amin, not bad mas malaki nga lang ang Pied Piper University.

Kunot noo akong napatingin sa mga estudyante dahil grabe sila kung makatitig sa aming dalawa, don't tell me na hanggang dito ay may nabiktima na namang ang siraulo kong pinsan?

"Magkaiba ang room natin, nasa 3rd floor ang room mo, room 307 nasa 4th floor naman yung sakin, room 404. Susunduin nalang kita mamayang lunch" mahabang lintanya nya habang naglalakad kami

Hating The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now