Chapter 24

24 2 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading 

Hating The Playboy

-ShookedShooky

With them

Napadalas ang pagdala ko sa dalawang bata kina Yui, naaliw din kasi ako sa tatlo kapag naglalaro.

Lumabas muna ako saglit para sagutin ang tawag ni Lola regarding sa hiningi kong favor nung nakaraan nang may makita akong babaeng nakatayo sa labas ng gate kaya nilapitan ko na.

"Sinong hinahanap mo miss?" Tanong ko

"I'm Yandrei's girlfriend nandyan ba sya?" Tanong nito

"Nasa loob sya bahay" sagot ko

Napataas naman ang kilay ko ng bigla nya kong samaan ng tingin pagkatapos makita ang hawak kong baby bottles, yung totoo may saltik ba ang babaeng to?

"Ikaw, sabihin mo nga, babae ka rin ba ni Yandrei kaya ka nandyan?" Bigla nyang sigaw

"Hindi at wala akong balak" sagot ko

"Sinungaling! Alam kong babae ka nya, siguro nabuntis ka nya at pinapaako mo ang bata sa kanya kaya ka nandyan! Ilabas mo si Yandrei malandi ka!" Sigaw na naman nya

Matalim ko syang tinignan saka sya nilayasan, ang kapal ng mukha ng hitad na yun para pagbintangan ako, inis akong pumasok saka hinanap ang malanding lalaki

"Hoy lalaking malandi, may naghahanap sayong babae sa labas, baka mabato ko ng baby bottles yun kapag hindi pa tumigil kakatalak ng kung anu-ano!" sigaw ko habang magkasalubong ang kilay

Lumapit naman sya sakin habang buhat si Cross at pilit na inaabot ng dalawa

"Sino daw yun?" Tanong nito

"Aba malay ko, babae mo yan eh" pabalang na sagot ko na ikinangisi lang ng siraulo

"Are you jealous?" Nakangising tanong nito

"What the fu-- tss. Are you on drugs?" Inis na sagot ko pasalamat sya at nandyan ang mga bata kaya hindi ko sya mamura

"Stop being cute okay?" Natatawang saad nito bago lumabas ay nagawa pang kurutin ang pisngi ko na lalong ikinasira ng ekspresyon ko

Hating The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now