Chapter 8

28 2 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading

Hating The Playboy

-ShookedShooky

Akala ko pagkatapos ng pagkanta nya ay aalis na sya pero naririnig ko parin yung pag strum ng gitara nya kahit hindi na sya kumakanta.

My curiosity is killing me right now dahil kanina pa talaga ako kating-kating tumayo at silipin sya, pinipigilan ko lang talaga yung sarili ko.

Hindi lang halata pero sa aming tatlong babae ako ang pinaka madaling ma-curious sa mga bagay-bagay, maaaring hindi nahahalata ng iba naming pinsan pero si kuya Zylliox alam nya dahil sya ang nag-alaga sakin mula pa nung bata ako dahil tamad magbantay ang kapatid ko na walang ginagawa kundi ang maging tamad at mambabae kasama ang mga pinsan namin, miski kina Miru at Saji ay si kuya Zylliox din ang nag-alaga.

Speaking off, he's calling kaya sinagot ko agad ang tawag nya

"Kuya you called, why?" Tanong ko

"How's your first day?" Balik tanong nya

"Nothing special kuya, girls here are like those cheap girls in our university they're so loud and it's irritating" sagot ko narinig ko naman syang tumawa sa kabilang linya

"You still don't have friends?" Tanong nya

"Nope and I don't need one, I'm okay alone" sagot ko

"Ikaw talagang bata ka, ang hilig mong mapag-isa, sometimes you also need someone who you can call a friend. Just enjoy your highschool life like a normal teenager do" sabi nya sakin

"I won't promise but I'll try. Anyway, how are you and also the others?" Tanong ko

"We're fine here, so nothing to worry about. Si Red at Abcde ba kamusta?" Sagot nya

"Abcde is busy and Red, wala naman syang ginagawang kalokohan so far and Vincent is in the same school with us iba nga lang ang section nya" sagot ko sa tanong nito

"Mabuti naman at same school pala kayo ni Vince dahil may makakasama ka kapag busy si Red sa practice, nabanggit kasi nya na sumali daw sya sa swimming team" sabi ni kuya

"Ahh.." Sagot ko narinig ko naman syang tumawa kaya naiiling nalang ako

"Sige na, magsisimula na yung next class ko. Bye Air" sabi nya

"Hmm.. bye" sagot ko saka ko pinutol yung tawag

Napagpasyahan kong tumayo na at bumalik nalang sa klase dahil sayang lang yung araw pero bigla rin akong napahinto sa paghakbang ng maalala ko yung lalaking yun kaya biglang may bumangga sa likuran ko

"What the? Ba't ka biglang huminto?" Tanong nito

Pakiramdam ko nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa boses na yun, kailan pa sya nasa likod ko at bakit hindi ko man lang namalayan?

Hindi na ko sumagot at nagpatuloy nalang sa paglalakad na parang walang narinig, wala naman na kong narinig na kahit ano sa kanya pero alam kong nakasunod lang sya sakin, ramdam ko kasi yung tingin ng mga babae sa likuran ko.

"Hey my Crystal Snow, where have you been? Galing ako sa room nyo pero hindi ka daw pumasok sabi ng teacher nyo" Tanong ni Vincent nung bigla ko syang makasalubong

"Err.. I.. Tss" sagot ko kaya natawa sya sakin

"Lagot ka kay Gelo, nag cutting ka ng dalawang subject" sabi nya pero inirapan ko lang sya

Hating The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon