Chapter 11

34 2 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading

Hating The Playboy

-ShookedShooky

A strong arms wrap around my small frame, muli na namang bumuhos ang masaganang luha sa mata ko ng maamoy ko ang pamilyar na pabango nito.

"I'm so worried so I fly all the way here just to make sure you're alright" saad nito

"K-kuya.. I-it still hurts" nanghihina kong sabi

"I know Air, take a rest now, everything will be okay" saad nito habang marahang hinahaplos ang buhok ko

Parang hipnotismo ang mga salita nya at nakaramdam nalang ako ng pagbigat ng mga talukap ko hanggang sa tuluyan na kong nilamon ng antok.

Nang magising ako ay nasa kwarto ko na pala ako at seryosong mukha ng pinsan ko ang nabungaran ko, maybe the non stop crying I did makes me feeling better.

"Kuya.. anong oras na?" Mahinang tanong ko

Kaagad naman syang nag-angat ng tingin sakin bago nya binaba ang librong binabasa nya saka sya umupo sa gilid ng kama ko at marahang hinaplos ang buhok ko.

"It's already 9am Air, sumunod ka sa akin sa baba para makakain ka ng almusal dahil kahapon ka pa walang kain" sagot nya saka sya lumabas

Malalim akong napabuntong hininga bago ako nagpasyang bumangon at gawin ang morning routines ko, nang matapos ay bumaba na ko dahil nakaramdam ko na ang gutom.

"Hanggang kailan ka pala dito kuya?" Tanong ko pagkatapos kong kumain

"Uuwi din ako bukas, sinadya lang talaga kita dito" sagot nya

"Umalis na ba si Abcde?" Tanong ko

"Oo, maaga syang umalis kanina at baka sa susunod na linggo na daw ang balik nya, yung dalawa ay maaga ding nagsipasok dahil may training at practice daw sila" sagot nya

"Ganun ba, balak ko sanang mag half day ngayon dahil may practice kami" saad ko

"Pinagpaalam ka na nung dalawa sa mga teachers mo kaya wag ka nang mag-alala" sabi nya

Napabuntong hininga nalang ako dahil mukhang walang balak si kuya na papasukin ako ngayong araw, babawi nalang ako bukas baka kasi kung ano pang masabi ni Inaso este In Na Song, sya pa naman ang gaganap na kontrabida at siguradong bagay yun sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero unang kita ko palang sa babaeng yun ay ayaw ko na agad sa kanya, siguro dahil sa ayaw ko ang ugali nya, madali ko kasing nalalaman ang ugali ng isang tao sa unang tingin ko palang.

"Pupunta nga pala ako kina Zeke, gusto mo bang sumama?" Tanong ni kuya

"Hindi na, pero gusto ko talagang pumasok ngayon" sagot ko

"Fine, pumasok ka na kung gusto mo, ihahatid nalang kita bago ako pumunta kina Zeke" sabi nya

"Sige kuya" sagot ko

Dahil nakaligo naman na ko ay nagpalit nalang ako ng uniform saka ko kinuha yung bag ko at dumiretso na sa kotse.

Ilang minuto lang ang naging byahe namin, lunch time ng dumating kami sa school kaya nagkalat ang mga estudyante paligid.

Seryoso lang mukha nito habang naglalakad at walang pakialam sa mga babaeng halos maglaway na kakatitig sa kanya, akala ko ay sina Abcde lang ang sikat, pati yata si kuya Zylliox ay sikat din.

Hating The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now