Chapter 32

20 2 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading 

Hating The Playboy

-ShookedShooky

Hindi nawala

May isang klase pa si Yandrei kaya dito nalang ako sa lab maghihintay, ang sabi nya kasi ay susunduin nya ko dahil mag-uusap pa kaming dalawa.

Dinaanan na din ako ng dalawang pinsan ko kanina pero pinauna ko na silang umuwi dahil nasa meeting pa ko nung mga oras na yun.

"May papasukan ka na ba para sa internship, Air?" Kaagad akong nag-angat ng tingin nang madinig ang tanong ni Mae, isa sa mga kagrupo ko

"Meron na, kayo ba?" Binalingan ko din ang tatlo pa

"Baka sa hospital nyo din, ang dinig ko kasi kay prof ay ang pinsan mo daw ang magsu-supervise sa grupo natin para sa internship pero hindi din ako sure" sagot nya

"Narinig ko nga din yun nung nag-uusap sina prof Castro at prof Mendoza" sabi naman ni Van

"Pero diba masungit at istrikto ang pinsan mo na yun?" Tanong naman ni Ching

"Oo lalo na sa trabaho, ganun talaga si kuya kahit sa amin kaya sanay na ko" kibit balikat ko at tinuloy na ang ginagawa

Masyado nang busy ang mga kasama ko para sa final exam, next week na din ang defense namin at pasahan ng thesis after that ay exam na namin tapos internship na pero naayos ko naman na lahat ng dapat tapusin kaya wala na kong dapat ipag-alala pa

"Si Yandrei nasa labas, hinahanap ka Air" sabi ni Ching kaya tumango lang ako saka tumayo at lumapit sa kanya

"Tara na?" Tumango lang ako ulit at sinensyasan syang hintayin ako

Nagpaalam naman na ko sa kanila na mauuna na kong umuwi saka ko binalikan ang malanding lalaki na abot tenga ang ngisi.

Ewan ko lang kung magagawa pa nya yan mamaya.

"Saan tayo?" Tanong ko habang nasa byahe

"Sa bahay namin" tinuon ko nalang sa labas ng bintana ang atensyon ko pero pansin kong hindi pamilyar ang dinadaanan namin, hindi ito ang papunta sa bahay nila

Huminto ang kotse sa isang malaking bahay saka sya bumaba kaya sumunod ako sa kanya papasok, isang katulong ang sumalubong sa amin bago nya ako hinatak papunta sa second floor saka kami pumasok sa kulay light blue na pinto

Kapareho ng design ng kwarto na to ang design sa kwarto nya, halos walang pinagkaiba though mas spacious ito.

"Kaninong bahay to?" Tanong ko habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto

"This our main house, dito lumaki sina tita Aizen nung bata pa. Sa tapat ng bahay ang kina Xyriel, yung pang-apat na bahay naman sa kanan ang kina Troy"

Paglabas ng katulong ay hinarap ko na sya ng buo para simulan na ang pagtatanong sa kanya

"Ano yung tungkol sa dare na nabanggit ni Cypher?" Kaagad na sumeryoso ang mukha nya at tumingin ng diretso sa mga mata ko

"Naalala mo yung tatlong lalaki na madalas kong kasama tuwing PE?" Tumango ako

"I was happy with you kahit pa hindi ko pa naman sure kung ano ba talagang nararamdaman ko para sayo basta ang malinaw sakin ay gusto kita, gustong gusto. Masyado na daw akong under at nawala na ang kilala nilang Yandrei na matinik sa babae.

Hating The Playboy (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant