Chapter 15

28 2 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading 

Hating The Playboy

-ShookedShooky

Mula nang sabihin ni Red yung about kay Chance ay lagi na kong palinga-linga at nagbabakasakaling makita ko sya pero lagi akong bigo.

I've never seen him even once na para bang sinasadya nyang hindi magpakita sakin

Na para bang alam nyang hinahanap ko sya kaya ganun, it frustrates me knowing that he's just around.

It's just like, he's near yet so far, I wanna hug him, kiss his nose and cheeks, ruffle his hair, put my head on his shoulder, hearing his heartbeat, listening to him everytime he sings for me, watching him dance and how he enjoy dancing and staring at him everytime he smiles like I used to.

I miss those times so bad, so bad that it hurts a lot thinking that he's hiding from me for I don't know what reason he has.

I almost just jump in shock when someone held my face so I look at that person, why do I always see him everytime I'm looking for Chance, he's the one who always appear when I'm seeking for him, why it does have to be Yandrei all the time?

"I don't know why you're crying, but I hope whatever it is, it will have a positive result. So, stop crying" he said while wiping away my tears

I cried even more, I don't know why and how, I just found myself hugging him while crying like a lost child.

He didn't say a word or stopping me from crying, he just hug me tightly while caressing my hair and telling me everything's gonna be okay.

I don't know if he did some magic to me dahil gumaang ang pakiramdam ko pagkatapos kong umiyak, basa na ng luha yung uniform nya pero parang wala syang pakialam sa bagay na yun dahil nananatili parin syang nakayakap sakin

Kung may makakakita man sa amin ay paniguradong iba agad ang iisipin kaysa sa tunay na nangyayari, we always based on what we see, then conclude without knowing if it's true or not.

Minsan kasi kung ano yung nakikita ng dalawang mata natin ay yun na agad ang pinaniniwalaan pero minsan naman ay hindi natin binubuksan yung mga mata natin para makita ang katotohanan.

"Okay ka na?" Tanong nya pagkaraan ng mahabang katahimikan

Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at tumango, hindi ko magawang magsalita dahil tila naubusan ako bigla ng sasabihin at nanliliit ako sa sarili ko dahil nakita nya ko sa ganun kalagayan, mahina at walang laban.

Hinayaan ko lang syang hatakin ako kung saan man nya balak pumunta dahil wala ako sa mood para magtanong kung saan kami pupunta.

Lakad lang kami ng lakad hanggang sa huminto kami sa isang ice cream house at takang napatingin ako sa kanya na napakaseryoso ng mukha, gone the playful smirk that always plaster on his face, nakakapanibago tuloy.

Tahimik lang akong nakaupo habang hinihintay syang umorder, hindi din naman sya nagtagal at bumalik sa table na may dalang malaking cup ng ice cream na may iba't-ibang topings at dalawang kutsara.

"Ito yung laging kinakain ng kapatid ko kapag galing sya sa pag-iyak, nakakawala daw to ng lungkot so eat up" sabi nya

Tumango lang ako at nagsimula nang kumain, I'm not a fan of too much sweets but I guess ice cream and cake is an exemption.

Napansin kong hindi sya kumakain kaya nag-angat ako ng tingin, ganun nalang yung pagkailang ko ng mapagtantong kanina pa pala sya nakatitig sakin habang hindi parin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nya, seryoso parin ito.

Hating The Playboy (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora