Chapter 26

26 2 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading 

Hating The Playboy

-ShookedShooky

Lies

Halos mapatalon ako sa gulat ng makita kong nakasandal sa gilid ng lab room ang isa sa mga pinsan ko, umayos lang sya ng tayo nung makitang nasa labas na ko

"What happened?" Casual na tanong nya na parang walang nangyari nung nakaraan

"It's not concerns you" sagot ko at nauna nang maglakad sa kanya

"Air naman, sorry na! Kung ikaw natitiis mong hindi kami kausapin, pwes kami hindi" sambit nya ng makasabay sa lakad ko saka ako inakbayan

"Tss. Ano pa nga ba?" Sagot ko

"Tara na sa PR, nandun yung iba sabay-sabay na tayong kumain, pag-uusapan din natin yung gagawin para sa performance natin" saad nya

"I said it already, I'm not going to do it" I sternly said

"Ang unfair naman sa amin nun Air, lahat kami magpe-perform tas ikaw hindi? Hindi kami papayag" sagot nya habang nagkakanda haba ang nguso

Why is he like this?

"Fine, I'll do it!" Sambit ko saka bumuntong hininga

Kailan ba magmamature ang isang to? 

Nakasalubong pa namin sina Yui sa hallway mukhang papunta na sila sa cafeteria

"Hi Air!" Bati ni Yui na tinanguan ko

"Ba't ka pala nagmamadali kanina, something happened?" Tanong ni Aikee

"Nagkaroon lang ng emergency sa isang klase ko. Anyway, we have to go" sagot ko saka nagpaalam na dahil mukhang naiinip na ang pinsan ko

"Okay, we'll just see you later!" Sagot nito

"I'll be busy for the upcoming days baka bihira nalang akong makasama but I'll try to catch up with you guys" saad ko saka ako lumakad kasama ang pinsan ko

"Are you that close with them?" Tanong nya nung makalayo na kami

"Sakto lang naman, you see the girl with cold aura?" Sagot ko

"Yeah, what about her?" Sagot nya sa tanong ko

"She's Gyul's Mom, yung batang kalaro nina Cross at East" saad ko

"Really? She looks so young" kumento nito

"She's two years older than me" saad ko naman

I actually had the same age as Aikee and Xeira, accelerated lang ako kaya 4th year na ko kagaya ng mga pinsan ko

Tito Terrence is strict when it comes to studying kaya nga kahit anong mga kalokohan ang pinaggagawa ng mga pinsan ko ay hindi nila pwedeng pabayaan ang pag-aaral nila

Lumaki kaming naging priority ang pag-aaral kaya siguro nahilig din ako sa pagbabasa dahil nakikita ko sa kanila, tapos ang hilig pa kong bigyan ng libro ng mga tito at pinsan ko.

Nang makarating kami sa PR ay nandoon na ang kapatid at mga pinsan ko, naka ayos na din ang table at nakahanda ang mga pagkain.

"Buti naman at nandito na kayo Jellal at Air, gutom na kami" bungad ni Light

Hating The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now