Chapter 23

24 2 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading 

Hating The Playboy

-ShookedShooky

Masaya

I thought everything was fine between my brother and Klein pero mukhang hindi ganun ang nangyari, she was pushing my brother away sa hindi ko malamang dahilan

Last night I saw how wrecked my brother was, nagpasya kasi akong sa condo nalang matulog since kailangan kong pumasok ng maaga

Pagpasok ko palang ay nakita ko na ang nagkalat na bote ng alak sa sahig at ang kapatid kong mugto ang mata sa pag-iyak, the last time I saw him cry like this ay nung bago umalis si Klein tapos ngayon nalang ulit.

Awang-awa ako sa itsura ng kapatid ko, kahit naman madalas akong maasar sa kanya ay ayaw ko naman syang nakikitang ganyan ka wasak at parang hirap na hirap nang makabangon mula sa pagkakalugmok.

I comfort him like how he comfort me nung umuwi akong durog ang puso at punong-puno ng galit, he didn't ask anything, he just comfort me like how he used to nung maliliit pa kami.

"You can rest if you're tired already but that doesn't mean that you're giving up. Just take a rest kuya" mahina kong saad pero sapat na para marinig nya

"I wanted to fight for her na kahit mawasak ako ay ayos lang but it's really hard kung wala na syang balak na lumaban pa" garagal nitong sabi bago umalog ang mga balikat

I know it's too shallow to hate Klein kahit na wala naman itong ginagawa sakin but seeing my brother like this ay hindi ko talaga mapigilan at gusto nalang syang sugurin but I know my brother won't like it, ganun nya kamahal ang babaeng yun.

"Fix your self Gloss, then talk to her kung ayaw nya parin ay wala ka nang magagawa pa kundi ang palayain sya" sambit ko

He didn't say anything at tila pinag-iisipang mabuti ang sinabi ko o baka may ibang bagay na ang tumatakbo sa utak nya ngayon.

Niligpit ko muna ang mga nagkalat na bote saka sya iniwan para makapag-isip, sa condo ng nakatatandang pinsan namin ako dumiretso, nagulat pa nga ito ng pumasok ako

"Ba't naligaw ka yata dito Air?" Tanong nya

"I'll occupy Miru's room kuya, kailangan kong pumasok ng maaga bukas" sagot ko

Hating The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now