Nagpatuloy naman akong muli sa pag lalakad. Purong puti ang kulay ng kisame ganon din ang pader. Mayroon ding mga halamang naka paso sa may gilid gilid. Nakaka sawang amoy ng gamot ang nanuot sa aking ilong. Marami ring mga taong naka uniporme ng pang nurse, meron ding mga doktor na palakad lakad.

Diretso lamang ako sa paglalakad, hanggang sa nakarating na ako sa pamilyar na pintuan ng kwarto. Ang kwarto ng aking ina. Dahan dahan kong pinihit ang door knob ng pintuan. Dahil maaring tulog na ang aking ina sa mga oras na ito.

Pagka bukas ko palang sa pintuan, ang lamig na galing sa aircon ang agad na bumungad sa akin. Madilim ang kwarto kaya napagpasyahan kong buksan ang ilaw.Nilibot ko ang aking paningin sa kwarto. Mukhang iniba na naman ang ayos nito. Pero ang pintura ang bukod tanging hindi iniba.

Sa loob nito matatagpuan ang isang hospital bed, katapat noon ay ang tv na nakapaskil sa pader. Ang bookshelf  naman ay nasa left side ng hospital bed. Sa right  side naman  ay isang maliit na lamesa na mayroong lampshade. Ang isang tukador naman ay nasa gilid ng pintuan ng banyo.

Wala si mama sa loob ng kwarto niya...

Umupo ako sa kama at sinindihan ang tv na nakapatay.

Pero hindi pa nagtatagal ay bumukas ang pintuan ng banyo. Napadako naman ka agad ang aking paningin duon. Niluwal noon si mama. Ka agad agad naman akong tumayo upang alalayan siya.

Pero hinawi niya ang aking kamay at biglang tumakbo sa kaniyang kama at nag kulubot. Bumuntung hininga muna ako, bago ko siya nilapitan.

Maayos ang lagay ni mama, maliban lamang sa pag-iisip niya. Dahil simula noong pinatay ang kabit niya, nag kanda luko luko na ang buhay niya.

Nandito kase ako sa Maynila ng malaman ko ang lahat ng iyon. Hindi ko rin alam kung anong ginawa ni mama, para magkaganyan siya. Basta ang ibinalita lang sa akin ay pinatay ni papa ang kabit ni mama.

At noong patay na ang kabit ni mama ay naging ganito na siya. Ang tatay ko naman ay kasalukuyang nasa kulungan ngayon. Walang nag sampa ng kaso laban sa aking ama, bagkus siya mismo ang umamin at nagpakulong  sa sarili niya. Because he's guilty . Pero malakas ang kutob ko, na hindi ang ama ko ang pumatay sa kabit ni mama.

Hindi ko alam kung anong itsura ng kabit ni mama o kung sino man ang mga relatives nito. Gustuhin ko mang magalit sa ginawang pagtaksil ni mama kay papa. Pero hindi ako hinahayaan ng aking puso, bagkus awa ang namumutawi dito ganon din sa aking ama.

Kasalanan ko ang lahat ng ito.

Dahil wala man lang akong nagawa. Naging busy kasi ako sa pag-aaral ko. Kung sanang nanatili ako sa tabi nila. Hindi ito mangyayari ngayon.

At ang saklap pa nong saktong graduation ko nangyari yon. Kaya pag ka graduate na pag ka graduate ko palamang ay naghanap na ka agad ako ng trabaho. At dahil sa naipon kong pera, naidala ko si mama sa Manila upang ipagamot siya.

Dahil mas masusuri siya ng mga doctor kung nandito siya. Samantalang ang aking ama naman ay nandito din sa Manila.

"Ma anong inulam mo?"Tanong ko kay mama. Pero hindi siya kumibo at patuloy na hindi ako pinansin.

"Ma, may gusto ka bang kainin?" Hindi parin ito gumagalaw.

"Ma, iniinom mo ba ang mga gamot mo?" Hindi parin niya ako pinapansin.

"Ayos ka lang ba dito ma?" Hindi parin niya ako kinakausap.

"Ma?" Muli kong tawag kaya ganon na lang ang tuwa ko ng bigla siyang umupo sa hinihigaan niya.

"Ma," nakangiti kong tawag.

Pero isang masamang tingin lamang ang naging tugon niya sa akin.

"Hindi kita anak! Kaya huwag mo akong tawaging ma! Ang anak ko ay si Vien!"

"Ma ako ito, si Vienna." Mahina kong sambit.

"Vien ang pangalan ng anak ko! At hindi Vienna!" Kinunutan ko naman siya ng noo.

"Ma, Vienna ang pangalan ng anak mo at hindi Vien." Mahinanon ko pa ding sambit.

"Nasa isla ang anak ko! At paanong napunta rito si Vien? Eh nasa isla nga siya!" Sigaw niya sa akin.

Isla?

Vien? Sino siya?

Sa bawat pag dalaw ko dito ngayon lang niya ako kinausap at pinansin. Pero bakit ibang tao ang hinahanap ng aking ina?

Bakit?

Kailan pa naging Vien ang Vienna?

"Ma, ang pangalan ng anak mo ay Vienna at hindi Vien." Umiiling kong sambit.

"Si Vienna? Hindi ko anak iyon! Dahil Vien ang pangalan ng anak ko! Pwede ba? Ako ang nagluwal kay Vien! Kaya alam ko kung sino siya!" Pagpupumilit niyang muli. Nanliliksik ang kaniyang itim na mga  mata ng kami ay nagkatitigan. Kumukuyon rin ang kaniyang kamao at namumula ang kaniyang ma among mukha.

Napatigil ako saglit, dahil sa tuwing namumula ang mukha ni mama, Ibig sabihin non siya ay galit.

"Ma, ako lang ang anak mo. At mayroon akong kakambal,  si Ven diba? Si Ven ang bunso mong anak na lalaki." Nagbabadya ng tumulo ang aking luha.

Dahil sa tuwing sinasambit ko ang pangalan ng aking kakambal  ay kusa na lamang akong na iiyak. Ako lamang daw ang naka survived sa aming dalawa. Dahil noong inuluwal siya ni mama ay patay na.

"Si Ven ang anak ko! Wala akong anak na Vienna!" Sigaw niyang muli.

Halos isang daang punyal ang naramdam kong tumarak sa aking dibdib pagkatapos sambitin ni mama iyon.

Hindi niya ako anak?

Ang kaninang luha kong pinipigilan ay ngayon ay nagsilandasan sa aking mga pisngi.
Wala ng mas sasakit pa sa salitang iyon. Ang sabihing hindi ako anak ng sarili kong ina.

Pero dapat hindi ko iyon pansinin. Dahil maaring epekto lamang iyon ng gamot.

"Ang anak ko lamang ay si Ven at Vien! Si Ven patay na! Si Vien buhay pa! Nakakulang lamang siya sa isla! Ang isla na pagmamayari ng mga V! Si Vienna? Hindi ko anak iyon!" Mas lalo akong nasaktan sa sinabi ng aking ina.

Ako ang nasa harapan mo ma, pero ibang tao ang hinahanap mo.

"Ang anak ko lamang ay si Ven at Vien! Si Ven patay na! Si Vien buhay pa! Nakakulang lamang siya sa isla! Ang isla na pagmamayari ng mga V! Si Vienna? Hindi ko anak iyon!" Inulit niya pa ito ng inulit.

"Ang anak ko lamang ay si Ven at Vien! Si Ven patay na! Si Vien buhay pa! Nakakulang lamang siya sa isla! Ang isla na pagmamayari ng mga V! Si Vienna? Hindi ko anak iyon!"

Yumuko na lamang ako at palihim na pinupunasan ang aking mga  luha.

"Anong iniiyak iyak mo?" Napa agat ako ng tingin sa aking ina. Iling na lamang ang aking naging tugon.

Ang sakit ma...

Ang sabihin mong paulit ulit na hindi mo ako anak. Ang sakit sakit ma...

"Ma, tulog kana at mag-pagaling ka ah? Para sa anak mong si Vienna." Nabasag ang aking boses ng sinabi ko iyon.

"Hindi ko nga anak ang hayop na iyon! Naiintindihan mo ba? Hindi ko siya anak! Wala akong anak na Vienna! Ang anak ko lang ay si Ven at Vien!" Nanggigil at nanliliksik niyang mata ang aking nakita.

Sumikip ang aking dibdib at mas lalong bumilis ang tulo ng aking mga luha.

"Oo ma, naiintindihan ko" napapaos kong sinabi.

"Hindi ko nga anak ang hayop na iyon! Naiintindihan mo ba? Hindi ko siya anak! Wal akong anak na Vienna! Ang anak ko lang ay si Ven at Vien!" Inulit pa niyang muli.m

"Hindi ko anak si Vienna! Hayop iyon!"

Ano bang ginawa ko ma? Ayus naman ang ating naging usapan, bago ang lahat ng ito.

Anong nangyari ma?

Gustuhin ko man siyang tanungin. Pero sa huli akam kong wala akong makukuhang matinong sagot mula rito.

Mas gugustuhin ko pang hindi mo nalang ako pansinin kaysa sa magsalita ka ng ganyan ma.

Pero kailangan ko itong tiisin. Dahil pag-subok lamang ito para sa amin ng aking ina.

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें