Kabanata 27

21 3 0
                                    

#WIHKab27

Eya.

"'Ma, andito na 'yong aampon kay Sheila?" Isang baritonong lalaki ang iniluwa ng pinto na kagigising lang.

"Wala 'Pa," sagot naman ni Mama. So this is  my stepfather now? Asa'n na 'yong isa kong kapatid?

"Sino 'yang mga 'yan? Cencus? Sabihin mo wala na tayong anak," dali dali niyang sagot.

Hinarap ko ang stepfather ko, "Eya nga po pala, anak ni Mama." Nakipagkamay ako para hindi halatang naiinis.

He was grinning and thorougly smiled, "Malaki na pala 'tong anak mo, may trabaho ka na ba?"

Seriously? Kapag pumunta ako dito sa pamamahay na 'to mahihirapan lang din ako. Kaya siguro hindi rin tanggap nila Lola 'tong stepfather ko.

Papa stood up, "Ama ako ni Eya pare, dati rin akong boyfriend ni Sheryl." Nakipagkamay rin si Papa.

Hindi ko alam kung anong lalabas sa bunganga ko at hindi na ako nakapagsalita.

Mama stood up to her place and she didn't went to our place.

"Ex mo pala 'to, Sheryl?" Tinuro ni stepfather si Papa.

I can feel now the tension. Hindi ganito kadali sa isang tao na masorpresa lalo na kung hindi nakakatuwa.

"Oo..." nauutal niyang sagot.

Ma, pakiramdaman mo naman kami.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni stepfather.

Habang dala dala ko ang pasalubong ko sana sa mga kapatid ko, napatingin ako sa picture frame na nakadisplay. They looked happy. But the happiness is just shown in their face with camera.

"Ma, tulangan na po kita," dumiretso ako sa kusina at nilapitan si Mama.

Paano ko ba sisimulang kausapin si Mama in all past years hindi ko alam kung marami na ba talagang nagbago.

"Last year ko na 'Ma, gagraduate na 'ko." Paninimula ko habang hawak hawak ang plato.

"Mabuti naman at pinag-iigihan mo ang pag-aaral." Nakangiti siya nang sinabi iyon.

"Oo naman, 'Ma. Ayaw ko namang madismaya sila Lola." sagot ko naman. I saw her trying to fix herself in front of me.

"Pumayat ka 'Ma." Pansin ko sa kaniyang katawan.

"Ah, ano kasi, napaparami lang ng trabaho." May parte sa katawan niya ang tinakpan niya. Ang braso.

Nakasuot lamang siya ng daster pero hindi mo mapapansin. Ngunit sa ginawa niya napuno ng kwestyon ang aking sarili.

"Ano 'yang tinatakpan mo 'Ma?" Pag-uusisa ko. Nilapitan ko siya at hinawakan sa tinatakpan niyang braso.

"Mawawala rin 'to, 'Nak." Sagot niya.

"Saan ka nakakuha ng ganiyan Mama?" Tanong ko.

Napahawak siya sandali sa kaniyang ulunan, dali dali naman akong kumuha ng tubig dahil sa init ng panahon baka siguro'y aligaga siya sa paglilinis.

"Lagi ka atang pagod 'Ma." Banta ko sakaniya.

"'Nak, pasensiya ka na kung hindi kita napapadalahan," nalulungkot ang boses niya.

"Ayos lang 'Ma, nakahanap naman na ako ng trabaho dahil kay Papa." Sagot ko.

"Saan?"

"Sa coffee shop niya."

"Itinuloy niya pa pala ang plano niya?"

"Matagal na pong nakatayo 'yon, 'Ma. At malapit lang din sa boarding house ni Ate Michelle," paliwanag ko sakaniya.

When It Happens | ✔Where stories live. Discover now