Kabanata 19

13 3 0
                                    

#WIHKab19

Eya.

"Salamat po." Wika ko pagkatapos kong magperform. Nakarinig ako ng kaunting palakpakan.

Pagkaalis ko sa stage nakita ko si Uncle Mario na may kausap sa cellphone. Kaya naman dumiretso ako sa locker at inayos ang mga gamit.

"Sino ba 'yong lalaki kanina?" Andito rin pala si Ate Reyza na kinukuha rin ang gamit niya.

"Anak ng kaibigan ni Uncle Mario." Alangan naman sabihin kong ex ko?

"Kayo? Anong mayro'n kayong dalawa? Akala ko ba team DrEya?" Kumilos siya na parang nagchecheer sa isang love team.

"Ate, schoolmate ko 'yon kanina tapos si Andrei bestfriend ko at kababata ko. Hindi ako magugustuhan no'n 'di kasi kami talo. 'Tsaka may iba na 'yong pinagkakaabalahang babae." Mahabang eksplinasyon para maging klaro ang lahat kay Ate.

As she nods, Uncle Mario called me, "Hija, 'yong sweet lover mo andito na."

Pass 6 na rin pala, kaya nagmadali akong umalis at nagpaalam kay Uncle. Nakita ko si Andrei na pawis na pawis habang nagdadrive.

"Saan ka galing?" Nang buksan niya ang pinto at nakapasok na ako agad ko siyang tinanong.

"At hindi ka nagpapalit?" Usisa ko pa.

"Diyan lang sa malapit na court, nagpalipas lang ng oras para magbasketball." Sagot naman niya na nagpupunas ng pawis.

Kinuha ko ang malinis na towel dahil marami akong extrang dinadala, "huwag na, ako na ang magpupunas."

Habang nagpupunas ako sa pawisan niyang mukha dumako ang tingin ko sa pawisan niyang likod, "nagpagod ka lang."

Pagkataas ko ng damit niya ay may napansin akong tattoo, tinapik ko pa ito, "aray!" Reklamo niya.

"Why do you have these?" Hindi ko pa ibinabasa ang damit sa likod niya.

"Tats? Henna lang 'yan matatanggal din." Paliwanag niya.

"Anong ibigsabigin nito?," Ibinaba ko naman na 'yong damit para hindi lamigin. "And change clothes. Magkakasakit ka niyan."

He keeps on driving and looking at the road, "it's just a line of music written in korean letters."

Okay dahil mukha ngang adik na adik sa korean maski pormahan niya.

"Kpop wanna be?"

Bigla niyang pinatugtog 'yong kanta ng Filipino KPOP Group na SB19.

Cause we gonna go up
Ibibigay ko ang aking puso
Sa pagtupag ng pangarap
Di hihinto

"May touch of ppop naman pala." Nang naparinggan ko ay parang kalmado akong napaidlip sa musika.

Nang hindi ko namamalayan ay nakarating na pala kami sa boarding house.

"Huwag mong kakalimutan 'yong pupuntahan natin sa Thursday ha? Just be comfortable." Nagpaalam ako sakaniya.

"Eya." Tawag niya sa'kin.

"May nakalimutan ba ako?"

"Goodnight." Isinara niya ang pinto at pinaandar ang kotse 'tsaka bumusina.

* * *

I received a text about being nominee in Best in OST from the Film Festival. In shockness, I jumped all around the caf.

"Hoy!" Tinawag ako ni Venice, nanatili akong nakatayo at hindi makapaniwala sa natanggap.

"Nominee kami sa Best in OST ng Film Festival. Tayo!" Pinakita ko sakaniya ang text at dali daling umupo.

When It Happens | ✔Where stories live. Discover now