Kabanata 8

22 8 0
                                    

#WIHKab8

Eya.

Dumating ang madaming reportings, case study at quizzes sa iba't ibang subjects kasabay nito ang announcement ng Midterms week.

Nakita ko si Andrei na may binabasa, "busy ka?" Tinignan niya lamang ako at bumalik ulit sa pagbabasa.

May topak na naman 'tong kaibigan kong walang kamuwang muwa sa mundo.

Samantalang si Shan ay panay pindot sa kaniyang cellphone. Tuwang tuwa siyang nagtatrashtalk. Siguro'y hindi uso sakaniya ang magreview. Pero hindi e. Mamaw 'to laging nakaka uno.

Habang si Venice naman at Winea ay may binabasa rin.

Time passed and I'm hungry, kaya tumayo ako para ayain silang kumain pero kinuha na ni Andrei ang kamay ko.

"Tara, meryenda." Hindi na ito ang Andrei na nagsungit kanina.

"Satisfied ka na ba sa binasa mo? Ayaw kitang maistorbo, e." Tinuro ko 'yong nakalapag na librong nakapatong sa arm chair niya.

"Siguro pero nagugutom ako, e." Asik niya, humahawak hawak sa 'di naman gaano kalaking tiyan.

Tinignan ko siya, his eyes looking at me and commnading to join him.

"Tara na nga." Naglakad na ako paalis sa pintuan.

Habang naglalakad ay nakita ko si Gio na lumabas mula sa isang room na may hawak na papel. Ngumiti siya sa'kin at kumaway, "hi."

"Tara na, Eya." Si Andrei na nakatingin sa akin habang nakadirektang ngumingiti kay Gio.

"Bye." Kumaway ako sakaniya.

"Bye." Ginaya ni Andrei 'yong sinabi ko kay Gio.

Nauna siya, he's walking with his two hands on his two pocket. Wala bang napopogian sakaniya, kasi ako, oo!

"Kung hindi lang kita kaibigan baka ngayon crush na kita." Bulong ko.

"Anong sinasabi mo diyan?" Ikinagulat ko ang pagsasalita niya, nakasuksok pa rin ang kaniyang kamay sa kaniyang bulsa.

Sumunod ako sakaniya.

"Oh ba't titig na titig ka sa'kin?" Mapapatalon ako sa gulat ng tanong niya sa akin.

Normal na tao lang ang kaharap mo, Eya. Okay, breathe!

"Ano kayang nakain mo ba't ang sungit sungit mo kanina?" Nauutal kong balik na tanong sakaniya.

Tumawa siya at naningkit ang mata niya, "ayaw ko lang 'yong iniistorbo ako sa readings ko."

Tumango ako at sinabing, "akala ko pinagtitripan niyo na naman ako."

Naghanap na ako ng mauupuan at siya na ang umorder ng kakainin namin.

Sa ingay ng tao sa caf hindi ko alam kung saang banda ako makikinig, hanggang sa sa bandang kaliwa ko ang narinig kong nagsalita. Group of high class girls na mukhang fan ni Gio.

"Siya ba 'yong new member na tsumansing sa President ng MUSIKO?"

Hanggang sa nadagdagan pa, "tapos siya ata 'yong tinutukoy niya sa latest video niya, pamysterious amp."

Hindi ko sila pinansin at kahit anong salita ang ilabas nila sa bibig nila I won't say any words that will start an argument. Unless, the words are under my gracious personality.

Art of dedma, that's the nearest definition. Here in the world, kung bigdeal sakanila ang isang bagay hindi ko sila masisisi. Manigas silang magsalita diyan.

When It Happens | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon