Kabanata 15

10 3 0
                                    

#WIHKab15

Eya.

After everything the least expected situation happened. Nasa kakarampot na porsyento lamang na mangyaring mawala na siya sa MUSIKO.

I felt bad about it. Gano'n pala kadaling sukuan ang passion mo? Itong kagustuhan mong maipakita sa nakakarami ang kaya mo.

"Eya," tinititigan niya ako habang hinahawakan ang kamay ko, "I can't give this up. It's my last chance being in the team."

"Wala naman akong magagawa. Choice mo 'yan, panindigan mo lang." Kalmado kong sagot, iniisip niya sigurong magtatampo ako.

"I love Music, but I also love playing. Hindi ko pwedeng piliin ang dalawa at lalong hindi ko pwedeng i give up ang matagal ko ng gusto." He's reasoning out. And I know where he's coming from.

I nodded to him, "nasa Musiko ang simula mo, pero sa basketball ka magtatapos, alam ko, wala akong alam sa'yo, kaya kung ano man ang nalalaman ko ngayon naintindihan ko. Basta kung makakabuti sa'yo." Lumapit ako sakaniya at niyakap para kahit papaano'y mawala ang agam agam niya.

Kwinento ko 'to kay Venice sa caf, wala si Winea ngayon kasama si Shan may date siguro ang couple si Andrei naman may aasikasuhin saglit. Babalik daw siya after class.

"Ano bang nakikita mo sakaniya?" Si Venice na sinisipsip ang lemonade niya.

"Pakiramdam ko kasi, passionate siya sa music, gusto niya tumugtog kaso nga lang ang offer para maglaro siya at mapunta sa varsity team ay matagal niya ng gusto. Sumang-ayon naman ako." Pinaikli ko na lamang ang kuwento.

"Wala ba siyang sinabi sa'yo before?," Kinakamot niya ang ulunan niya, "gusto niyo naman ang isa't isa pero bakit hindi kayo okay pag-usapan ang choices niyo?"

"Hindi siya nagsasabi. Besides, buhay niya pa rin 'yon and I have to respect it. Hinahayaan ko siyang magsalita sa kung anong gusto niya. 'Yon lang," kinakaij ko ang inorder kong mani sa caf, 'yong tig-sampung piso. "'Tsaka parang ang epal ko naman sa buhay niya kung pati sa choices makikisawsaw pa ako."

"Kuwento ka sa susunod sa'kin 'pag may update na, balik tayo sa shooting after nito." Panandalian kaming nagbreak, kahit  hindi malaki ang role namin sa big screen e kailangan pa rin naming tulungan sila.

Sa set nga naririnig ko na ang sigwan ng writers at directors. May tumatak ngang linya sa'kin, e. The best thing you can do in acting is to giving life to the character. You should posses the given personality.

That's how music possesing melodies and rhythm, kaibahan lang sa pelikula, naririnig ito.

"Tara, baka magmaktol na naman 'yong director natin hindi na tayo isulat sa attendance." Nagmamadaling kinuha ang iilang folders at pati ako'y tinulungan siya para mas mapadali.

Next week na ang Film Festival at dahil kakatapos lang ng Foundation Week. Another preparation again, at wala kaming practice ngayon.

Sobrang init ng araw para magshoot at halatadong pagod na rin ang mga actors. Kitang kita ang pag-agos ng pawis. Dahil required ang film namin na dito lang sa loob ng campus ang shooting e kaliwat kanan ang nagshoshoot. Panigurado akong nasa 10 ang lalaban.

Bumalik sa dati ang lahat, tinuloy ang pagshoot at tumulong naman ako sa pag-ayos ng set.

Sa isang banda, nadoon ang Marketing Team mga kaklase iyon ni Gio pero wala pa rin siya.

"End of scene 1!" Sigaw ng director, dali dali kaming tumakbo at iniba ang set.

Uminom muna ako saglit ng tubig at nagsalin para sa mga kasama ko, nang tumingin ako paharap bumungad si Gio na suot ang playing shoes, jersey shorts at tshirt.

When It Happens | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon