Kabanata 12

13 2 0
                                    

#WIHKab12

Eya.

Natapos ang 2 hours na practice at nanatili pa rin sa Music Room si Divine. Naiirita ako, kapit na kapit kay Gio na akala mo'y linta.

Tapos halos tumsok na 'yong mata niya kung tumitig sa'kin. Hindi pa naman ako nainis nang ganito sa isang tao.

At hindi dapat dahil wala naman siyang ibang ginawa sa'kin kun'di magpakilala.

But I can't help myself from suspicious acts. Fishy kaya niya.

"Bye, Gio!" Sa wakas ay umalis na rin siya sa tabi ni Gio at sa buong room.

Inalapag ko ang towel na ginamit ko sa pagpunas ng pawis ko. Nakakapagod din palang maging vocalist, how much more when you play those intruments?

"Ready kana for foundation week?" Sumulpot si Marco sa harap ko.

"Hindi ako sure, pero kailangan." Mailap kong sagot.

"Wala ka bang gana?" Hindi siya tumigil sa pagtanong sa'kin.

"Napagod lang siguro sa practice," titingin na sana ako at nang makita ko si Gio na nakatayo kung saan ko sana titignan si Marco, "ikaw pala!"

"Ang tamlay mo." Bati niya.

"Pagod." Tipid kong sagot.

"Do you want anything?" Nagpresinta siyang bibili o anuman.

I shrugged, "wala kang dapat alalahanin, okay lang ako." I smiled to him.

"I'll just leave, I'll be back." Paalam niya.

Narinig ko ulit ang boses ni Marco at sinabing, "may gusto ka sakaniya 'no?"

"Ha?"

"Ha-ha," pagtigil niya. "Gusto mo si Kuya Gio 'no?" Makulit na bata.

"Namimintang ka," habang tinitigan ang bracelet na nakasuot sa aking kamay. "Pero, iba na kasi 'to."

"So, aminado ka?"

"Not so sure. Kung crush lang? Alam mo 'yon, happy crush mo siya tapos hindi mo kayang magkaroon ng kahit ano. Kasi, ah basta---" hindi na natapos ang sasabihin ko nang sumulpot ulit sa usapan si Gio.

"Anong sinasabi mo kay Marco?" Tumatawa siyang hawak hawak ang dalawang styrofoam at C2.

"Oh eto," inilahad niya sa'kin ang isang styrofoam at tumingin kay Marco. "Ikaw bata ka, doon ka kay Sophia magpapansin."

Umalis si Marco at naiwan na lamang kaming dalawa ni Gio. Umupo kaming pareho at ni isa sa'min ay walang balak magsalita. Hinahawakan ko lang ang styrofoam habang siya'y kinakain na ang pansit na laman nito.

"Ayaw mo ba ng pansit?" Nagsalita na siya.

"I told you, I don't want anything," kalmado kong sagot.

"Subuan kita?" Alak niya at nang kinuha ang kamay ko ay unti unti kong naramdaman ang isang bagay na matagal ko nang 'di naramdaman dati pa.

"You're making me fall for you," tumingin ako sakaniya, "access denied."

Hindi ko siya hinarap at lumayo kaunti ngunit napakakulit niya, hindi niya ako tinitigilan.

"Sige, subo lang." Sagot niya. Para siyang isang bata na hindi pinagbigyan nang kahilingan.

Habang sinusubuan niya ako nakita ko ang ibang miyembro at nakatingin sa'min.

"Doon na nga kayo!" Pagtataboy niya sa kanila, agad naman nilang inalis ang kanilang paningin sa aming dalawa.

When It Happens | ✔Where stories live. Discover now