Kabanata 9

22 9 2
                                    

#WIHKab9

Eya.

Dahil sa GC ng MUSIKO nalalaman ko ang mga meetings or events na mangyayari.

Umattend ako sa ng meeting, they are discussing if who wants to be the vocalist. Para raw may bagong mukha ang makita sa grupo. A lot of hand raises.

"Miss Madelauv," tawag ni Secretary.

My attention went to her, "yes po?"

"Gusto mong maging vocalist para sa foundation day?," her words stopped me from what I am doing.

"Kas---" hindi na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita ulit siya.

"Isang beses lang naman." Pangungumbinsi niya sa'kin. So, ako talaga?

"Sige na!" Siniko pa ako ni Marco, hindi ko pinansin ang ginawa niya at nananatiling umiikot ang isip ko sa kung papapayag ba ako o hindi.

"Hin---" hindi ko po gusto, kaso lang ay may naudlot ito ng may dumating.

Iniluwal ng pinto ang katawan ni President, "Eya Madelauv will be the vocalist," it's just hindi ko inaasahan na ganito pala ang kahihinatnan ng meeting.

"Ha?"

"Walang botohan?"

"Ni hindi nga siya nagtaas ng kamay!"

Rinig ko ang mga salitang lumalabas sa kanilang mga bunganga.

"I need to learn more." Sa sinabi kong 'to baka sakanilang itigil nila ang pagpupumilit sa'kin.

Tumigil ang ilang sabi sabi at sa isang iglap pumunta sa harap ko si Gio. In a small time, napunta agad ang kamay niya sa aking ulo. Hokage moves? Ninja moves? Alin?

Tapping my head and says, "she got it."

Kitang kita ang dismaya ng ibang gustong makuha ang pwesto, at siya nama'y nakatingin sa akin na parang may kung anong ipinapahiwatig at ngumisi.

Siniko at ni Marco, alam ko kung anong ibigsabihin no'n dahil bukod sa alam na niya ang namagitan sa'min ni Gio na paulit ulit kong nililinis ang pangalan ko dahil 'yon ay isang insidenteng hindi man lang nabigyan ng kahit anong malisya.

Pwera nalang kung malisyoso talaga siya.

The meeting adjourned. As far as I know bilang isang lead vocalist kailangan ko ng charming at dapat attractive. Pero parang hindi. Tumingin ako sa salamin na kinuha ko galing sa bulsa ng aking bag.

"Marco, charming ba ako?" Hindi pa rin nagpatinag ang pag aayos ko at pagpisil pisil sa mukha ko.

"Siguro."

"E, attractive?" Tumingin ako sakaniya para makuha ko ang sagot.

"Siguro." Walang ibang lumabas sa bunganga niya kun'di ang salitang iyan.

"Oo charming ka at attractive." Kilala ko kung sino ang nagsalita no'n at hindi rin ako nagulat.

"Si Marco kaba?" Gusto ko siyang pangigilan ngayon. Nakangiti lang siya. Nakakainis 'yong ngiti niya!

"Hindi. Future mo!" Mabilisan niyang sambit. He just puts his hands over his pocket and walks away.

"President scores!" Si Marco na hindi pa pala umaalis sa tabi ko.

Habang nanatili kaming nakaupo, ay patuloy na silang nagdidiscuss tungkol sa History ng club. It was established at year 1975. Performing from different events in this university until now.

Nagset up na ang lahat, from instruments, amplifier to mic. Nakatayo mula sa stage si Gio na naka krus ang kaniyang mga kamay. Bossy mo, President!

When It Happens | ✔Where stories live. Discover now