Kabanata 21

12 2 0
                                    

#WIHKab21

Eya.

Thursday is Gio's game day. Kaya aligaga ako kung anong isusuot ko.

Naghahanap ako ng comfortable ako at mukhang puti lang ang mayroon ako. May isa akong university shirt dito pero mukhang 'di ata kasya sa'kin. I tried to fit in para lang makasabay ako.

Consciously, nasisikipan talaga ako. Para kay Gio at para sa University. Tinitignan kong mabuti sa salamin kung maayos. Honestly, it is. Hindi lang nga comfortable.

Pagkababa ko, may bandanang pula sa ulo si Andrei, "avid fan ka ba?" Tanong niya sa'kin.

"Ng basketball? Oo." Mahinahon kong sagot sakaniya.

"Mukha kang makipagbakbakan sa giyera dahil sa bandana mo sa ulo." Itinuro ko ang suot niyang bandana at hinawakan ito.

"Proud Lycean 'to." Mariin niyang sagot.

While driving he turned the radio on and starting to pick a radio station, nang makuha niya ang tiyempo ng signal dali dali niyang nilakasan.

"Ayan ba 'yong DJ na nagpatugtog ng Leaves?" Tanong ko sakaniya. Naalala ko lang kasi dahil ang hyper hyper niyang magsalita.

"Oo," sagot naman niya. Nakatingin siya sa malayo habang nagdadrive.

Ang makulit kong mata ay nakatingin sa kaniyang mukha. Patubo na ang mga bigote sa kaniyang mukha, pulang pula ang labi niya na parang naglagay ng liptint at sobrang tangos ng ilong niya.

"Nakikita kita." Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahang sa peripheral vision niya pa ako mahuhuli.

"Kapal mo." Depensa ko. Pero sa totoo, gwapong gwapo ako sakaniya. May mahanap lang akong kakilala ko ilalakad ko 'to.

"Alam ko naman kahit 'di mo sabihing gwapo ako," yinayabangan niya ngayon porke si Gio ang papanoorin namin. Piningot ko ang tainga niya at mabilis itong namula.

"Pag pumipikit lang ako gwapo ka sa paningin ko."

No one tried to talked again hanggang sa lumakas ang kantang Tagasalo.

Bakit tuwing inaaya kita,
Nauuwi lagi sa susunod na linggo o buwan
O kung may araw wala kang ginagawa

"Ang lakas lakas naman niyang volume. Wala ka bang tainga?" Puna mo sa malakas na radyo ng kotse.

"Relate kaya ako sa kantang 'yan." Sa puntong iyon, naging malungkot ang boses niya.

Pag wala ka ng ibang mahanap,
Na tao, bagay na magpapasaya sayo
Ako 'yong tipong kaydaling mahatak
Bubulong ka lang andiyan na agad ako

"Dahil?"

Gusto kong malaman ang kasagutan ang tanong niya. At muli kong naisip na maaring ako ang dahilan pero ayaw niya lang akong masaktan.

Maayos naman siguro kami ni Andrei dahil sa tono ng pananalita niya, he's been like a wholesome. 'Tsaka gets ko naman na ang lahat. Wala na akong ibang gustong mangyari kun'di makahanap din siya ng kaniya.

"Gusto mo ba ako Andrei?" Alam kong mahirap manggaling mula sa kaibigan ang kasagutan pero bakit 'di natin alamin. 'Yong kasagutang kaklaro sa konklusyon ko.

"Anong klaseng tanong 'yan?" Nakakunot na noo niyang tanong.

May bahid ng pagkaklaro ang tanong ko; sagutin niya man o hindi sigurado akong alam naming pareho ang sagot.

"Kung anong pagkakaintindi mo." May bahid ng gulong tono kong sambit sakaniya.

"Oo." Sumagot siya, at narinig ko na 'to mula sakaniya.

When It Happens | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon