Chapter Twenty-Three

3 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY THREE




MARIGOLD




Pagkatapos naming kumain, sina Ry at Vein ay umalis samantalang kami ay naiwan ni Lhisa. Umalis ako at may nakita akong bulaklak, Marigold. Naantig ako sa kulay nito kaya agad ko itong binili, habang naglalakad ako nakita ko si Lhisa na tumatakbo. Binalewala ko na lang at nag sulat ako ng isang liham para sa kaniya. Hanggang ngayon wala paring kupas ang kaniyang pagmamahal para sakin, kahit may mali akong ginawa agad niya akong patatawarin at sasabihan ng "Mahal kita, kaya patatawarin kita sa kahit anong mangyari."


Heto ang sulat ko para sayo.


To my dearest,


Huwag mo na akong hahanapin kapag umalis na ako, at sa liham na ito. Dito ko lang masasabi na hindi talaga kita minahal, bagkus gusto ko lang na ikaw ay sumaya para hindi ka na nag-aalala saakin. Kung mahal mo talaga ako, hahayaan mo akong umalis. Sorry kung hindi kita minahal.


Love, Marco


Habang sinusulat ko ang mga salita yun sa liham ko, hindi ko mapigilang lumuha. Napapatigil akong mag sulat kanina, kaso napapatingin ako kay Lhisa. Hinahanap niya nanaman ako, I feel guilty for her. Kaya agad akong lumabas at tumakbo rin ako, dahil hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya.


Nadulas siya at nasambot ko siya, buti na lang at tumakbo ako ng mabilis. Napatingin siya saakin at agad naman siyang tumayo. Hinila ko siya papalabas at ako ay biglang napatigil, habang tinitignan siya ako ay napapaisip. Kaya niya kayang mawala ako sa kaniyang piling? Paaano kung lalo siyang masaktan kapag nawala na ako? Kakayanin ko ba ito?



Habang may kausap siya sa telepono, binigay ko sa bata ang bulaklak na binili ko.



"Bata, pakibigay nga ito dun sa babaeng maganda." Sabi ko.



"Huh? Bakit po? Ikaw na lang po ang magbigay." Sabi niya.



"Aalis na kasi ako, kailangan ko ng pumunta sa may bus stop. Please?" Pagmamakaawa kong sabi sa bata.



"Sige na nga po, ingat po kayo ha!" Sabi niya.



Ginulo ko ang kaniyang buhok at muli akong tumingin kay Lhisa, masakit man ang mga ginawa ko sayo. Sana ay patawarin mo ako, nag panggap lang ako na mahal kita para lumigaya ka. Walang ibig sabihin ang mga pinag samahan natin dahil ikaw ay tinuring ko lang na kaibigan, pasensya na kung hindi ko masusuklian ang iyong pagmamahal.


Tumalikod na ako sa kaniya, at umalis na ako. Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mapaluha. Bigla akong napaupo dun sa may bus stop, iniisip ko kung tama ba ang mga ginawa ko sa kaniya o sadyang nagpakatanga ako at signungaling.

The Unconscious Guy Where stories live. Discover now