Chapter Thirteen

6 5 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

FIELDTRIP Part 2 (D-DAY)

"Students! Nandito na tayo sa Pasay! Kindly prepare your things papuntang hotel! Huwag mag hiwa-hiwalay, wag kayong gagaya sakin!" Sigaw ng Prof namin.

"Anong gagaya sir? Naiwan ka na ba?"

"Ohhhh!!!!" Bulong-bulungan ng mga estudyante.

"Bumaba na nga kayo mga punyemas!" Tumawa kami ng malakas at bumaba na rin kami.

Nakita kong pumikit si Marco at ninanamnam ang simoy ng hangin! Napangiti ako sa sobra niyang gwapo.

"Masaya ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango lang siya at itinuro sina Ry dahil nakaway pala ito. Lumapit sina Ry at Vein saamin at itinuro kung saan kami mag iistay for the day!

"Tara!" Yaya ni Ry.

Hanggang ngayon na a-awkward parin ako dahil kay Vein. Hinila ko si Marco at kumapit sa kanya, nagtaka naman siya kung bakit ako humawak.

"Humawak lang ako pero wala tong meaning ha!"

"Ikaw lang naman nag-isip niyan, hindi ko nga yan naiisip."

Inirapan ko siya at naglakad na kami papuntang hotel! Binuksan ni Ry ang hotel namin, bale kaming apat ang magkakasama sa hotel! Syempre seperate kaming mga babae at lalaki, magka-roommate sina Marco at Vein kami naman ang magka-roommate ni Ry!

"Huwag kayong mag-away ha! Ikaw depunggal huwag mong aawayin si Vein ha!"

"Marco okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango lang siya at inayos niya na ang mga gamit niya. Ilang beses kong tinitignan-tignan si Marco sa kabilang kwarto kung ayos lang siya. Baka hindi kasi siya komportable! Alam na alam ko ang mukha niya kapag hindi komportable.

"Hoy! Kanina ka pa tingin ng tingin kay Marco! Jowain mo na kasi!" Sabi ni Ry.

"Tanga! Baka kasi mag-away yung dalawa!" Sabi ko sa kaniya.

"So ngayon concern ka? Bakit gusto mo ba?"

Bigla akong napatigil sa sinabi niya, concern ako dahil gusto ko siya? Now what? Itatago ko na lang ba sa kaniya ang lahat?

"Oh? Tumahimik ka? Gusto mo ba?" Tanong niya.

Tumabi ako sa kaniya at nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya. "Wala akong lakas na loob para sabihin sa kaniya! Pano ko ba aaminin?" Hindi ko masabi sa kaniya yung mga salitang yun.

"Aminin mo Lhisa! Gusto mo ba? O gusto ka niya?" Tanong niya ulit.

"Ewan ko! Arghhh...!"

"Kapag kasama mo ba siya masaya ka?"

"Oo!"

"Kapag pinupuntahan ka niya sa bahay kinikilig ka?"

"Medyo!"

"Tangina edi mahal mo na!" Sinampal ko bibig niya. Atsaka lang siya tumigil sa pagsasalita!

"Baka marinig ni Marco wag kang maingay!"

"Sorry na, sorry na...aminin mo na kasi!"

The Unconscious Guy Where stories live. Discover now