Chapter Seven

12 10 0
                                    

CHAPTER SEVEN

STILL FRIENDS?

Hindi ako nakatulog ng ayos at puyat na puyat pa ako kakareview dahil palapit na ng palapit ang exam namin. I'm not contented sa mga nireview ko feeling ko kulang pa yung nireview ko kagabi....

Incoming call

Ang aga-aga namang tumawag sino kaya to?

Marco

Ahh si Marco pala yung tumatawag, teka sino ulit? M-Marco? Anong kailangan non? Aga-aga ah!

"Hello? Bakit nanaman?"

"Goodmorning! Sungit mo naman umagang-umaga." Sabay tawa ng konti, "Tara sabay tayo pumasok? Sunduin kita?"

"Bahala ka, It's your choice pero uunahan na kita papuntang school." Inend ko na yung tawag at nag-ayos na ako ng gamit at naligo na ako, dapat maunahan ko siya.

*peeeeeepppppppp*

Paglabas ko ng bahay, ayun naunahan ako ng mokong yon!

"I told you hintayin mo na lang ako, ayaw mo ba akong makita? Baka crush mo ko?" Ngiti na pagkakasabi ni Marco.

"Asa! Hindi kita crush noh! Kailan kita naging crush? Pakisabi nga?" Mataray na pagkakasabi ko.

Nagsimula na akong maglakad at biglang hinila niya ang aking kamay at tinitigan.

"Sabay ka na please? Please?" Pag-mamakaawang sabi niya. "Tara na please? Wala ka ng masasakyan na sasakyan." Wala na akong magawa kaya sumabay na ako.

Habang nasa kotse kinakabahan na ewan ako, hindi ko alam?

"May problema ba Lhisa? Share mo naman sakin."

"Tse! Wala!" Tapos umirap ako sa kaniya.

Anong oras na ba? 6:59 a.m. na shems late na ako! Kaya pala ako kinakabahan.

"Marco pakibilisan please? Late na ako!" Nagmamakaawang sabi ko, "Please late na talaga ako!"

"Wait lang, chill."

"Gago anong chill? Anong oras na o? 7:00! Late na ako letse!"

"Sorry, sorry! Ipapark ko lang!"

Pag-kapark niya binilisan ko na ang pagtakbo para maka-attend sa klase ko, first time kong malate. Buti na lang at wala pa yung prof namin. Eksaktong pagdating ko nandiyan na yung prof namin. Buti na lang talaga.

Nag ring na ang bell at heto ako kasama si Vein, sinundo niya ako pagkatapos ng klase ko.

"May nanliligaw ba sayo?" Tanong niya saakin.

Natulala ako sa sinabi niya, ewan ko ba parang nailang lang ako sa sinabi niya kung may nanliligaw na ba saakin.

"Wala, bakit liligawan mo ko?" Bigla siyang napatawa sa sinabi ko.

"T-Tinatanong ko lang, saka may iba akong liligawan no!" Utal-utal na pagkakasabi ni Vein.

"Sus! Baka si Ry? Crush mo siguro yun? Or liligawan mo?" Patawa kong sabi sa kaniya.

"T-Tanga ka ba? Pano ako magkakagusto s-sa kaniya?" Inis na inis na pag kakasabi ni Vein saakin.

"Ah ngayon tinatanga-tanga mo na lang ako? Kala ko pa naman banal kang tao! Walang hiya!" Napahalakhak ako ng sobra dahil sa muka niyang pikon na pikon.

"Tara na nga kain na lang ta-." Naputol ang sinasabi ni Vein saakin.

"Bakit Vein? Anong problema?" Pagtataka kong sabi sa kaniya.

"Basta tara na! Huwag kang lilingon sa likod mo okay?" Hinila niya ako papuntang cafeteria.

Anong meron bakit ayaw niya akong palingunin sa likod? May problema kaya?

Incoming call

"Lhisa, excuse me may tumatawag lang saakin."

"Okay go ahead, answer it." Sabi ko sa kaniya.

Ano bang nangyayari kay Vein? Kinakabahan ako sa mga ginagawa niya at-

"Sino kasama mo?"

"Anong problema mo? Bakit mo tinatanong? Jowa ba kita?" Irap ko kay Marco.

"Dito na lang ako kakain, wala ka namang kasama." Seryoso niyang pagkakasabi saakin.

"Meron akong kasama okay? Kaya umalis ka na dito!"

"Sino si Vein?" Galit na pagkakasabi ni Marco.

"O-Oo, wait paano mo nalaman?" Pagtataka kong sabi sa kaniya.

"Nakita ko kayo kanina kaso pumunta kayo ni Vein sa cafeteria, sasabay sana ako sa inyo." Sabi ni Marco na parang nanghinayang.

Baka kaya ayaw ni Vein na palingunin ako sa likod dahil kay Marco, maybe hindi, baka may ibang dahilan kaya ayaw niya akong palingunin. Baka nga, paniguradong hindi dahil kay Marco.

"Marco hi!" Bati ni Vein kay Marco.

Inirapan lang ni Marco si Vein, aba-aba baklang to marunong naring umirap ang mokong kakaiba kaloka HAHAHA.

"Kain na n-."

"Nawalan na ako ng gana." Umalis si Marco na may seryosong mukha pag-alis niya.

Anong meron may away sila?

"May problema ba kayo ni Marco?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala, saka hindi kami close non!" Iwas niya ng tingin saakin.

Feeling ko tuloy may tinatago itong dalawang mokong na ito ah, may pa secret ang dalawang mokong. Nevermind pake ko sa kanila? Ikasasakit lang yan ng ulo ko mabuti pa at mag-aaral na lang ako.

Bakit kaya galit si Marco? Should I visit him to talk or what? Sus! Wag na nga, ayaw naman niya siguro na may kausap siya ngayon. Hayaan ko na nga lang siya para mag palamig ng ulo.

Uuwi na lang ako sa bahay dahil yung dalawang mokong na kausap ko parang may mga regla, mood swing. Daig pa ako!

Should I call Vein and Marco?

Ako ang na-iistressed sa kanila, nag-aalala lang talaga ako sa kanila. Tatawagan ko muna si Vein.

The subscriber cannot be reach please try again later.

Okay naka-off ang phone ni Vein si Marco na lang tatawagan tutal hindi naman sumagot si Vein.

Sagutin mo please?

"Marco must-."

"Kita tayo, saan ka?" Cold niyang pag kakasabi saakin.

"Sa may 7 eleven, kumakain bago umuwi. Asan ka ba? Anong meron kanina at umalis ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Puntahan kita diyan." Pagkatapos niyang sabihin iyon pinutol na niya ang tawag.

Kaloka mga lalaking ito, hindi maintindihan, kung anong nangyayari.

Si Marco nandiyan na, ang bilis ah!

Tumakbo ng mabilis si Marco at saka ako niyakap ng mahigpit.

"Bakit may problema ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Namimiss lang kita, ayoko ko kasing lumalapit ka sa ibang lalaki lalo na sa kaaway ko." Sabi niya saakin.

Kaaway? Sino? Si Vein ba? Anong meron?

Bigla akong kinilig sa pinag-sasasabi niya saakin, ewan ko ba baka first time ko lang ito mafeel na yakapin ng isang lalaki na may problema yung walang halong kalokohan, pero yung yakap niya may tunay na pinag daraanan.

Can we still be friends? Or more than that?

The Unconscious Guy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon