Chapter Four

21 9 0
                                    

______________________
𝚆𝙰𝚁𝙽𝙸𝙽𝙶: 𝙼𝙰𝚈 𝙼𝙰𝚂𝙴𝙻𝙰𝙽 𝙽𝙰 𝙿𝙰𝙶-𝚂𝙰𝚂𝙰𝙻𝙸𝚃𝙰 𝚂𝙰 𝙿𝙰𝚁𝚃 𝙽𝙰 𝙸𝚃𝙾! 𝙿𝙴𝚁𝙾 𝙺𝚄𝙽𝙶 𝙺𝙴𝚁𝙸 𝙼𝙾 𝙽𝙰𝙼𝙰𝙽, 𝚂𝙸𝙶𝙴 𝙶𝙾! 𝙱𝚄𝚃 𝙸 𝚆𝙰𝚁𝙽𝙴𝙳 𝚈𝙾𝚄!
______________________


CHAPTER FOUR

TAMA NA! FIRST KISS!

Ilang araw na ang lumipas, hindi na kami nag kikita ni Marco. Ang payapa na ng buhay ko! Wala na ng gugulo saakin at ang tahimik na ng paligid, feel na feel ko na ang fresh air sa tuwing ako'y pumipikit. Hindi na nasasayang ang oras ko! Hindi na katulad dati.

At ilang months ulit ang lumipas ganon parin ang mga nangyari! Masaya at tahimik na ulit ang buhay ko, hindi na ako bored at higit sa lahat lagi kaming gumagala ni besh Pam. At simula na pala ang exam namin this week, mag-aaral na lang ako sa library para tahimik.

Habang nag babasa ako bigla namang nag salita ang lalaking makiki upo siguro.

"Uhmm, Ms? Pwede maki-upo?" Tumango na lang ako at hindi ko siya tinitignan, wala akong balak mag sayang ng oras dahil malapit na ang Final Exam namin and finally malapit na akong grumaduate ng Highschool.

"Hi!"

Hindi ko pa rin siya pinansin kahit anong sinabi niya, at bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at ng sasampalin ko na sana siya bigla niyang nahuli ang aking kamay at naaninag ko ang kanyang mukha.

Si Marco!

Nagulat ako na siya pala ang naki upo at doon din nag review para sa exam, ewan ko ba? Naging mannerism ko na siguro ang pag sampal ng lalaki sa tuwing may hahawak sa kamay ko. Pero bakit pag siya na ang hahawak ng kamay ko nanlalambot ako? Bakit? Bakit siya pa?

"Gusto ko lang namang batiin ka Lhisa pero gusto mo ata akong sampalin?" Yumuko na lamang ako at binilisan ang pagligpit ng gamit ko at tumayo na ako.

"Oh san ka pupunta?" Nag lakad na lang ako at iniwanan siya pero, "Ano bang problema Lhisa? Spit it out!" Hindi na ako lumingon sa kaniya at nag patuloy lang akong nag lakad palabas.

Tama na please Marco? Tigilan mo na ako? Ayoko na! Ayoko nang paunti-unting nahuhulog na ako sayo! Ewan ko ba pero papunta na ang feelings ko na mahuhulog na ako sayo, this is the first time naging ganito ako. Ilang months lang ang lumipas na hindi kita nakita at naging payapa ang aking isipan pero heto ka nanaman nag babadyang lumapit saakin este nakalapit na nga pala saakin at naka hawak pa siya sa aking kamay.

At heto ako pumunta sa classroom at sinubukan muling mag review para sa Final Exam namin next week, kailangan kong makapasa sa test na ito para excempted sa mga darating na projects at quizzes. Ayoko nang mag review lalo na si.....tama na please? Tama na! Ayoko nang banggitin ang pangalan niya, ayoko na!

Tapos ko na ang pang pitong subject na reviewhin kaya naman last subject na lang ang dapat ko tapusin, habang nag rereview ako nag try akong mag earphones at baka sakaling mawala ang stress ko ngayong mga araw na ito. Dahil sa asungot na iyon, hindi na naging maayos nanaman ang araw ko. Hindi natapos ang na hindi niya hinahawakan ang kamay ko! Kainis!

"Lhisa!"

Hindi ako lumingon dahil alam ko nanaman kung sino ang tumatawag sa pangalan ko! Well guess who?

"Pansinin mo naman ako! Please?" Iniwasan ko ulit siya at sa sobrang pag iwas ko, hinila niya ang aking kamay at dinala sa isang lugar.

Sa library kami ulit pumunta, well antahimik walang makakaistorbo talaga, pero laking gulat ko na sinandal niya ako sa pader at hinalikan. At tinulak ko naman siya agad, first kiss ko binigay ko lang sa kanya? Why Lhisa? Why? Bakit ka nanaman nanlambot at na enjoy mo naman?

Sinubukan kong tumakbo pero,

"Sorry, nabigla lang ako! Ayoko kasing may naiwas sakin." Habang siya ay nakayuko at hinahawakan ang aking kanang kamay, bigla naman akong napaisip na bakit kailangan pang halikan? Duh?

"Erase, erase, erase! Ayoko nang isipin toh! Okay? This was my first kiss Marco! Sabay binigay ko pa sayo?" I frowned at him, at binitawan ang kanyang kamay at lumabas na ako ng library. Ayoko na talaga! Tama na! Tama na! Tama na!

Nakaka-p*tang in* lang dahil sa ginawa niya saakin! Hindi na naging matahimik ang aking buhay dahil andyan nanaman siya para manggulo ng aking buhay! Ugh! Bat ko ba laging naiisip yung halik niya sakin? Ano bang meron don? At hindi maalis sa aking isip?

Eto nanaman ako, may mood na masyadong bitter at may mood na masyadong sweet pero, siguro na sa trip ko rin minsan? Pero talagang may dalaw ako ganun talaga ako.

First kiss?

Puta bakit yun palagi ang aking naiisip? Bakit? Bakit tadhana? Bakit siya pa? Isa siyang mayaman na tao samantalang ako isa sa mahihirap na tao! Huhu, pero hindi ako maka get over sa nangyari ngayon!

Habang ako ay naglalakad papuntang classroom, nakikita ko sa mga mata ni Marco na talagang nailang siya sa ginawa niya saakin sa library. Alam kong naiwas siya ng tingin saakin, feel ko naman.

Heto lumapit sakin si Pam para mag tanong kung anong nangyari sakin this few days.

"Bakit pulang-pula ka? May nangyari ba?"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya pero hindi niya parin ako tinigilang tanungin kung anong nangyari saakin. Dahil hindi ko na siya matiis, sinabi ko na sa kaniya at nagulat siya at the same time kinilig na rin.

"Bagay kayo! Bet ko kayong dalawa!"

"Tama na! Ayoko ng balik-balikan yung mga nangyari saamin!"

"Sh!t bagay talaga kayo!"

Hindi na talaga ako umimik sa kanya at umuwi na lang ako, para makapag pahinga.

Tama na ang first kiss! Move on na!

The Unconscious Guy Where stories live. Discover now