Chapter Six

17 10 0
                                    

CHAPTER SIX

HOPE NOT

YES! Nakapasa ako! Gagraduate ako ng Highschool! Ayokong mapag-iwanan noh! At alam yun ni mama at papa sa langit, at alam kong masaya sila para saakin. Ayaw kong madisappoint sila saakin,

*Flashback*

July 07, 2013

Grade 3 ako, 9 years old.

Nag outing kami, nasa Australia kami nag stay muna para makapag out of the country. Ang saya ng outing namin...

"Mama, Papa, I love you!" Lambing kong malambing, dahil iisa lang naman akong anak. Wala akong kapatid, kaya wala akong karamay.

Mga araw na masaya pa kami at mag kakasama, nung childhood days talaga ang the best! Hindi ko ipapag palit ang mga araw na iyon!

Those memories na kasama ko sina mama at papa was the best and memorable moments!

Ang sakit lang na iniwan nila ako agad!

Mama, Papa

Ang daya! Kayo ang unang nang iwan!

Kala ko ba walang iwanan?

Bakit kayo pa ang nauna?

Sabi niyo ipagluluto niyo pa ako ng paborito kong beef steak? Ang daya niyo!

Nakakainis kayo Ma, Pa!

Naaksidente kami dahil madulas ang daan at nawalan kami ng preno. Tulog ako nung nangyari iyon, sinabi lang ni Auntie Rayne ang nangyari saakin.

Nakakabigla ang mag pangyayaring ito saamin....

Kaya natuto na akong mabuhay sa utos nina Auntie Rayne..

Beltok...

Sipa...

Mura...

Pasa...

Yan ang napapala ko kayna Auntie Rayne kahit sinusunod ko ang utos nila, kahit special project pa yan kailangan mong unahin ang utos nila kundi suntok, bugbog o kung ano-ano ang napapala ko.

*End Of Flashback*

I'm really proud sa sarili ko, kaya ko itong lagpasan! Tiwala lang!

Kaya ko toh!

Pag katapos kong malaman na pasa ako at hindi na kailangang kumuha pa ng ibang test, pumunta muna ako sa library at binasa ang mga libro kong paborito habang nag i-earphones. Feel na feel ko kasi ang binabasa ko tuwing may nakasalpak na earphones sa tenga ko.

Fresh na fresh ako dahil wala na akong kailangang tapusin dahil tapos na lahat, sinigurado ko talagang wala ng kailangang gawin para makapag basa ng paborito kong libro.

Hindi ko na kailangang bumili pa ng libro dahil pupunta lang ako sa library para basahin ang mga paborito kong mga libro. Nabasa ko ang linyang ito,

'Status in life?'

Status ba? Well WALANG PERA! Pake ko kung wala akong jowa? Ang kailangan ko ay PERA! Sino ba ang hindi nangangailangan ng pera? Lahat naman siguro ng tao.

May kumalbit saakin,

Si Vein!

Laking gulat ko dahil hindi ko siya inaasahang dadating at ang alam ko ay busy siya...

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala kasi akong magawa, at alam kong nandito ka dahil mahilig kang mag basa diba? Tumawa ako ng mahina, at sinuntok siya.

"Totoo naman diba?" Tumango na lang ako.

Ang awkward tuloy, wala kaming topic na pinag-uusapan. Nakaka conscious tuloy dahil nakatingin siya saakin habang ako ay nag babasa, ano bang pwede kong gawin? Isip Lhisa! Isip!

Wala talaga akong topic na maisi—

"Gutom ka ba? Tara kain tayo!" Anyaya niya sa akin. Tumango na lamang ako at ibinalik ang librong hiniram ko.

Pumunta kami sa starbucks para kumain ng tinapay at mag kape, pag katapos niyang umorder ng kape pumunta siya sa Mcdo para bumili ng fries at Mcflurry. MY FAVE! Pero hindi niya alam na favorite ko yun noh!

Kanina pa talaga ako gutom, wala akong pera para sa pagkain, meron lang akong pamasahe papunta at pabalik. Kaya dinadaan ko na lamang ang gutom ko sa pag babasa at baka sakaling mabusog ako. Pero alam kong hindi ako mabubusog, 40 pesos lang baon ko kahit malayo ang school, tiis ganda ako kaya kailangang mag tiis para maka pasok lamang araw-araw.

"Kain na tayo! Bumili ako diyan ng McFlurry at fries." Kinindatan niya pa ako, kumain na lang ako.

"Thank you ah!"

"Para saan?"

"Para sa pagkain.."

"Sus okay lang, anytime Lhisa, anytime!" Nginitian niya ako at bumalik ang tingin niya sa pagkain.

Nag patuloy lang kaming kumain at nag kwentuhan tungkol sa buhay niya at mga naranasan ko sa buhay. Hindi siya makapaniwala sakin.

Pagkatapos naming kumain, sinabi kong mauuna na ako ayoko ng magtagal kaya ayun hindi niya na ako na hatid sa bahay namin, at wala pa akong ganang umuwi, hope not na kami mag kita ni Marco for this day. Ayoko munang makita siya na fe-feel ko pa rin ang kahihiyan na ginawa ko sa kaniya lalo na sa mga sinabi ko!

Sh!t.

Nandiyan siya! Kasama ang mga kaibigan niya, umiwas ako ng tingin at nag tago...huminga muna ako ng malalim tapos tumakbo ng mabilis papuntang exit. Buti na lang at hindi ako nakita ni Marco, at umuwi na lang ako para makatulog naman.

Makalipas ang ilang oras, nag pasiya akong lumabas muna at mag pahangin pag kagising. Hindi rin ako masyadong nakatulog dahil sa utos ni Aunti Rayne.

"Psstt..!"

May sumisitsit saakin, hindi ko na lang pinansin.

"Hoyy!"

Buwiset sino ba iyon? Kakagising ko lang ahh! Pag lingon ko si Marco pala yun!

"Ohh? Anong meron?" Sinabi ko habang hindi nakatingin.

"Wala naman, bored lang ako kaya pumunta ako dito..."

"Ahh okay..."

Wala namang katuturan ang mga pinag-uusapan namin, oo lang ako ng oo minsan naman ay tumungo nalang ako. Wala talaga ako sa mood makipag-usap kaya iniwan ko na lang siya ng walang paalam.

"Lhisa, teka!"

Pumasok na ako ng bahay, at nag hugas na lang ng plato at nag walis ng bahay, ayoko munang may kausap.

"LHISAAA!!!"

Si Marco yun panigurado! Ewan ko ba kung bakit nandito pa siya.

"Bakit? Umuwi ka na! Gabi na oh!"

"Hindi ako uuwi kapag hindi ka nag paalam ng maayos saakin!"

Biglang uminit ang aking pisngi, bigla akong sumandal sa pintuan. Bakit ako kinikilig? Sana all, may lalaking ganito pero friends nga lang pala kami. Bumaba na ako ng biglang umulan, nag dala ako ng payong palabas.

"Umuwi ka na Marco!"

Bigla niya akong hinalikan, na blangko ako sa kaniyang ginawa saakin. Tinulak ko siya at bigla naman siyang natawa, I really don't expect that Marco!

"Goodnight Lhisa! Sarap mong halikan...pero friends parin tayo ah! Ganyan kita kamahal! Bye!" Kaway niya saakin ng paalis na siya.

Ganun ba talaga siya mag mahal ng isang kaibigan? Hahalikan pa? Bakit ka ganun Marco Qein? Pa fall ka ba talaga?

Hope not Marco....hope not to fall inlove to you.

The Unconscious Guy Where stories live. Discover now