Chapter Fifteen

5 5 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

PAGKAKATAON

Nakarating na kami sa aming hotel at sinabi ni Ry na nagising akong natutulog sa balikat ni Marco, hindi ko na kasi tinignan kung anong nangyari kanina sa sasakyan. Bumaba na lang ako at pumunta sa hotel.

Nakitang kong tulog si Marco habang si Vein naman ay naglalaro sa kaniyang cellphone. Gusto ko sana siyang kausapin kaso busy siya sa paglalaro.

Sinenyasan ako ni Ry na pumunta sa kwarto namin at agad naman akong pumunta doon at isinara ang pinto.

"Anong meron?" Tanong ko sa kaniya.

"Dapat nga ako ang magtanong niyan sayo! Anong meron bakit mo niyakap si Marco?"

Napaisip rin ako sa sinabi niya, bakit ko nga ba siya niyakap? Eh dumating lang naman sila, hindi ko alam kung bakit ganito ako kaexcited tuwing makikita ko siya o kapag kasama ko siya.

Ilang beses ko ring sinubukang pigilan ang sarili ko sa paghawak sa kaniya pero hindi ko parin maiwasang humawak sa kaniya. Humiga na lang ako sa kama ko tumalikod kay Ry, tumulo ang aking luha hanggang sa umiyak na ako ng umiyak dahil hindi ko parin masabi kay Marco na mahal na mahal ko siya.

Tuwing may pagkakataon akong sabihin sa kaniya, siya naman ang nawawala sa aking paningin kapag wala namang pagkakataon saka ko siya nasosolo at nakakasama. Ang bigat-bigat sa dibdib dahil parang siya na yung mismong umiiwas at ako naman ang lapit ng lapit.

Patuloy parin ako sa pagluha at hindi ko namalayan na pinaanood pala ako ni Marco habang umiiyak. Hinawi niya ang buhok ko at pinunasan ang luha ko gamit ang kaniyang daliri, napahawak ako sa kaniyang kamay at ngumiti siya saakin.

"Wag ka ng umiyak nandito na ako." Bulong niya.

Lalo akong napaluha sa sinabi niya at hindi ko mawari ang pakiramdam ko! Nandyan na siya at gustong-gusto ko ng sabihin lahat ng gusto kong sabihin pero ang mismo kong sarili ang umaayaw.

"Pinapanood mo na pala akong umiiyak hindi ka nag-sasabi!" Sabi ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya at inayos ang kumot ko sa higaan at umalis. Pumunta na siya sa kwarto nila at nag pahinga na rin siguro! Sa sobrang pagod rin niya siguro sa biyahe kanina.

Nagulat ako dahil may kumalabog sa kabilang kwarto, nag dali-dali kaming pumunta ni Ry at nakitang may sugat si Marco. Nag-away ang dalawa pinag-susuntok ni Vein si Marco habang si Marco naman ay hindi gumanti at hinayaan niya lang si Vein na saktan siya.

"Tama na nga yan! Anong problema Vein? Bakit mo sinuntok si Marco?" Sigaw ni Ry kay Vein at pinag-hiwalay ang dalawa.

"Hinding-hindi na kita pagbibigyan Marco!" Sabay alis si Vein sa kwarto.

Agad ko namang pinuntahan si Marco, nakatulala lang siya at hindi manlang nag-sasabi ng kahit anong salita. Hindi parin siya tumatayo sa pag kakaupo niya, lalo akong nag-alala sa kaniya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya.

"Habulin mo si Vein."

"H-Huh?"

Nagtaka ako sa sinabi niya, hindi parin ako makapaniwala sa kaniya. Kung tama ba yung pagkakarinig ko o hindi.
Hinawakan niya ang kamay ko at ibinigay ang bracelet ni Vein na naputol siguro nung nag suntukan sila.

"Please I'm a asking you a favor! Puntahan mo si Vein and let him explain something!" Sabi niya.

"Paano ka?"

The Unconscious Guy Where stories live. Discover now