Chapter Twenty-Two

1 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY TWO



HAPPY, UNHAPPY



Konti na lang at gagraduate na kami, malapit na ang graduation naming mga college students. Masayang-masaya ako dahil ito ang pangarap nina mama at papa para saakin, ang maka graduate. Konti na lang self! Kaya mo ito!


Habang inaayos ko ang gamit ko, hindi ko nakikita si Marco. Nasan ba siya? Palagi na lang siyang naglalaho na parang bula, this morning kasama ko lang yun sa may library ngayon naman nawawala nanaman siya. Kinawayan ako ni Ry at pinuntahan niya ako at umupo sa may bakanteng upuan.



"Nasan si Marco? Hindi mo kasama?" Tanong ni Ry.



"Kanina kasama ko lang siya, ngayon nawawala nanaman siya." Sabi ko.



"May away kayo?"


"Kami? Hindi ahh, bakit kami mag-aaway?" Sabi ko.



"Bakit ganun ang kilos niya parati? Parang kakaiba."



"Anong kakaiba?"




"Parang lalo siyang tumahimik unlike before."



She is right, yun din ang gusto kong itanong kay Marco pero ang sagot niya lang saakin ay wala daw siyang problema. Ilang beses ko ring binalewala yung mga sinasabi niya pero ngayon gustong-gusto ko ng malaman kung bakit nga ba, pero hanggang ngayon nag-aalala ako dahil wala siya sa paningin ko.



Tinawagan ko na siya ng ilang beses pero hindi parin siya sumasagot sa tawag ko, kahit si Ry tinawagan niya rin si Marco kaso hindi talaga sumasagot. Nag-aalala na ako sa kaniya, nasaan na ba siya? Tawagan niya daw si Vein baka mag-kasama sila ngayon, Marco nasaan ka na ba?



"Vein!" Tawag ni Ry habang papalakad papunta saamin.



"Kasama mo si Marco?" Tanong ni Ry.



"Huh? Hindi, hindi pa nga kami nagkikita. May problema?"



"Kanina pa namin siya tinatawagan kaso hindi siya sumasagot." Sabi ko.



"Wait tatawagan ko baka sumagot saakin." Sabi ni Vein.


"Marco! Nasaan ka?" Tanong ni Vein kay Marco sa cellphone.



"Ahh sige sige, pumunta ka na dito nag-aalala na si Lhisa sayo!"




After he end that call, gusto ko siyang kausapin at ako na lang ang pumunta. I think he has a problem, anong meron? Bakit hindi nanaman siya nagsasabi g totoo? Paniguradong may problema yun, wala nanaman kasi siyang sinasabi.



Nakita kong naglalakad na papunta saamin si Marco pero hindi ko mapigilan ang aking sarili, tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Tumulo ang aking luha habang niyayakap siya, pinunasan naman niya ang aking luha at hinalikan ako sa labi ko.



"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya.



"Bigla-bigla ka na lang nawawala sa paningin ko, hindi ka manlang nagsasabi kung saan ka pupunta." Sabi ko sa kaniya.



"Sorry."



"You don't have to say sorry, makita lang kita okay na ako." And then I smile at her.



The Unconscious Guy Where stories live. Discover now