Chapter Eighteen

9 5 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

LUHA

Shit! Nasend pa ng punyetang daliri toh! Hindi ko na mairemove remove ang mga sinabi ko sa kaniya! Halos mabaliw na ako! Nagdadabog ako sa may kama at hindi ko namalayan na hawak na ni Ry ang cellphone ko.

"Sumagot jowa mo!"

"Ano sabi?"

"Basahin mo."

Marco:
"Kulang ka sa tulog, matulog ka muna."

Grabi ang pakiramdam ko! Buti hindi siya nag taka kung bakit ko iyon na isend, napatingala ako at huminga ng malalim. Jusko paano kung siya yung tipong lalaki na sineseryoso ang mga bagay-bagay? Edi lalo akong nabaliw?

"Minahal mo ba ako?"

Ughhhh....those words are killing me! Hindi ko mapigilang isip-isipin ang mga salitang iyon! Paano ba kasi itong mga hampas lupang mga daliri kong ito!

"Hoy Lhisa! Kung hindi mo pa aaminin kay Marco yang nararamdaman mo paniguradong mauunahan ka ng iba!" Sabi ni Ry.

Sino? May nagkakagusto pa ba sa kaniya? Sino ba ang ibang babae na nagkakagusto sa kaniya? Paano niya nasabi na mauunahan ako?

"Sino?" Tanong ko.

"Malay mo diba? You never know." Sabi niya at nag cellphone.

Hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya, ewan ko ba kung bakit ganito ako! Chinat ko ulit siya and this time totoo na talaga ang tanong ko.

Me:
"May gusto kang iba?"

Marco:
"Oo meron."

Me:
"Kilala ko?"

Marco:
"..."

Doon na agad nagtapos ang chat namin, sineen na lang niya ako. SEENER! Hindi siguro siya mahilig makipag chat, kapag in person naman ang tahimik niya rin. Hindi ko na siya maintindihan kaloka!

Naghilamos muna ako ng mukha at nagpalit ng damit, humiga ako at huminga ng malalim. Bigla akong napaluha sa mga sinabi niya,

"I'm not saving you,"

"I'm saving Vein."

Ganun pala siya mag mahal ng isang kaibigan, kahit hindi niya kasundo poprotektahan niya kahit anong mangyari. Sarap niya sigurong maging bestfriend or maging boyfriend?

Ang luhang tumulo mula sa aking mata ay tuloy-tuloy tumulo, bakit ako naiiyak? Anong dahilan? Bakit ako nasasaktan? Bakit ang sakit ng dibdib ko? Na parang ang bigat-bigat ng dinadala ko?

Ano mang oras siya ang iniisip ko, naiisip rin niya kaya ako?

Paggising ko hindi ko alam na nakatulog na pala ako, ang aga ko palang nakatulog kagabi. Pag baba ko nandito si Marco, wait totoo ba itong nakikita ko? Si Marco nga?

Kinusot ko ang aking mga mata kung totoo nga ba ito o hindi, pero totoo talaga! Nandito siya at ipinagluto pa kami ng breakfast! Nginitian ako ng mokong pero inirapan ko at umakyat ako papuntang kwarto, nag hilamos at naligo muna ako. Bakit siya nandito? Anong meron?

The Unconscious Guy Where stories live. Discover now