Epilogue

821 34 33
                                    

ELHLEpilogue || Argon Zacharia

"Dali na anak, magbihis ka na." Pilit ni mommy sa akin.

Padabog akong umakyat sa kwarto habang nagkakamot ng batok. Anong namang gagawin ko sa party na iyon? Makikikain ng lumpia? Mabibili ko naman iyon kahit kailan ko gustuhin.

Wearing my blue dress shirt tucked in a black slacks. I folded it up to my forearm at itinaas ang buhok para walang nakasagabal sa noo.

Nakasimangot ako sa sasakyan. Ayoko sa mga party. Pangbabae lang iyon. Wala naman akong gagawin doon kundi ngitian lahat ng kakilala ni Daddy at kumain. Wala rin naman akong kakilala. Mas gusto ko pang magkulong sa kwarto para matulog.

"Smile Argon, kaya hindi ka nagkakaroon ng kaibigan, e. You're turning 18, dapat ay nalabas - labas ka na at nageexplore."

Kumunot ang noo ko. Explore? No. I don't need that. I want my first ot be my last. Hindi lang naman babae ang may gusto ng ganon. Atsaka unfair sa magiging asawa ko kung ako ang nakauna sa kanya habang sa akin ay hindi.

Umiling si Daddy at inakbayan ako. "Son, don't mind your mother. Do what you want. You'll handle my company soon. Dapat ay magseryoso."

I remained my blank face. Hanggang pagpasok ay hindi ako naglagay ng kahit anong reaksyon sa mukha ko.

Sinasama ako ni Daddy sa lahat ng table na iniikutan niya. Dahil maraming potential na partner ay maligalig siyang nagiikot habang ako ay bagot na bagot na at gusto ng matulog.

"Son, meet Mr. and Mrs. Vinzon." si Daddy. Ngumiti ako ng tipid at ngumiti. Despite of my age ay matangkad na ako. I'm taller than my father. Matangkad si Daddy pero natangkaran ko na.

"Hello, Argon." Malambing na bati ni Mrs. Vinzon. Lumipat ang tingin ko sa katabi niyang bata. My forehead creased at the wound she has on her arm. Hindi iyon mahahalata kung hindi tititigang maigi. Doon napako ang tingin ko.

"This is Esteen Samantha, my daughter."

Napakurap ako ng maglahad ng kamay si Samantha sa akin. Umangat ang tingin ko sa mukha niyang nakangiti. Nakangiti pero walang makikitang kislap doon. Her smile looks so dulled. Praktisado. Ngiting walang laman.

Inabot ko iyon pero agad ding binitawan dahil sa kuryenteng naramdaman. What the fuck was that?

Hindi nagtagal sa akin ang tingin ni Samantha, nanatili ang tingin niya sa paa habang naguusap ang mga magulang namin. Hindi ako palakaibigan na tao pero pakiramdam ko gusto ko siyang maging kalapit.

Naupo kami sa malapit na lamesa, doon muna kami ni Daddy nag-stay dahil mukhang magkasundo sila. Samantha's mom is just smiling. Katulad ng kay Samantha ay mukha iyong praktisado pero may laman. I don't know. Their eyes speaks thousand words that I can't understand. Gusto kong intindihin pero hindi ko kaya.

Nagtama ang tingin namin ni Samatha, the corner of my mouth turned up. Her eyes widened, mulhang nagulat sa ginawa ko. I blink my eyes when she glared at me. What? What did I do?

Iniwas niyang muli ang tingin at kinalikot ang kamay niyang nakapatong sa lamesa. I wanted to hold it pero bakit? Bakit ko gustong gawin? I just met her now pero pakiramdam ko gusto konna siyang alagaan. Her eyes looks so sad. Walang kinang na makikita. Also, bruises on her body are quite visible. Gusto kong magtanong pero bago pa makapagsalita ay umuurong na ang dila ko.

Simula ng araw na iyon ay ganado na ako sa pagsama sa mga party. Gusto ko siyang makita, kahit sa malayo lang. She was just 15 that time. I was 17. Too young to feel something that adult can only understand. Pero iyon ang nararamdaman ko. Hindi ko naiintindihan pero nararamdaman ko.

Camp Alaya Series #1: Eyes Locked, Hands Locked (Completed)Where stories live. Discover now