Chapter 20

359 29 7
                                    

ELHL20 || Esteen Samantha Vinzon

Kinunotan ko ng noo si Blanche na ramdam kong kanina pa nakatitig sa akin.

"Crush mo ba ako? Kanina ka pa nakatitig sa akin. Akala ko ba Koreano gusto mo?"

Sge grimaced and shook her head in disappointment. I loured.

"Akala mo kinaganda mo 'yang peke mong ngiti? Mukha kang tae," umikot ang mata niya at mahina akong hinampas sa bibig.

I chuckled but eventually stopped. Ano ba ang dapat kong gawin? Ngumiti nang masaya kahit hindi naman ako masaya? Mabuti nga at nakakaya ko pang ngumiti.

"Kahit peke ang ngiti ko, maganda ako."

"Ang kapal mo," singhal niya. "Ano ng nangyayari sa kaso ng tatay mo?"

Nalukot ang mukha ko sa narinig. "Hindi ko siya tatay."

"Hindi ko alam. Wala namang in-update sa akin."

Hindi ko alam kung papaanong nangyaring nabuksan ulit ang kasong iyon pero ipinagsawalang bahala ko na dahil wala naman akong alam doon at pabor sa akin ang nangyayari.

I learned that my father has a mental illness. No. Emmanuel has a mental illness.

"E, kay Argon. May update ka?"

Kinuha ko ang maliit na unan sa tabi ko at ibinato sa kanya. "Fuck you."

Ilang araw ko na bang hindi nakikita si Argon? Ah! Dalawang linggo na. Hindi na siya muling tumapak dito. Ni hindi ko alam na umalis na pala siya. Pagkagising ko ng umagang 'yon ay wala ng Argon dito sa condo. Hindi naman niya kami pinaalis dito kaya hindi ko alam kung maayos pa ba kami.

Iniisip ko... baka nagpapalamig lang ng ulo. Hindi naman talaga katanggap-tanggap ang mga sinabi ko. Maski si Blanche ay napailing at nainis nang malaman ang nangyari. Pero anong magagawa ko... hindi na ako naniniwala doon. Masisira lang ang ulo ko.

"Gago ka kasi," ani Blanche.

"Alam ko. Hindi mo kailangang ipaalala sa akin minu-minuto."

"Gago ka. Tanga, stupida," she firmly said. Pilit ko siyang inabot ng paa at sinipa.

Alam ko nga, kailangan pang ipamukha.

"Pero naiintindihan kita," mahina niyang sabi.

Ngumiti ako sa sinabi niya. Oo. Alam ko. Nagalit rin siya sa akin pero biglang umiyak dahil naiintindihan niya kung bakit ganoon ang opinyon ko. Naikwento ko sa kanya, lahat. Pati ang ginawang pagsubok na patayin ang sarili.

Iyak siya ng iyak non at tiningnan pa kung may peklat na naiwan sa ginawa kong iyon. Mayroon, pero hindi na halata. Maliliit lang naman iyon dahil maliit lang ang gunting na ginamit ko, kaya pala hindi pa ako kinuha.

"Kung legal lang pumatay, napatay ko na 'yang ama mo."

"Hindi ko siya ama," inis na sabi ko.

Hindi kami umalis ngayon sa condo. Wala naman kasi akong gagawin. Ewan ko dito kay Blanche. Ang alam ko may date sila ng Koreano niyang hilaw pero nandito siya kaya tingin ko ay wala. Ayos na rin sa akin. Baka kasi mabaliw ako kapag naiwang mag-isa.

Tuwing ipipikit ko kasi ang mga mata ay nakikita ko ang mukha ni Argon na nasasaktan.

"Ano ng plano mo?" She asked. Kumunot ang noo ko. "Hindi mo kakausapin si Argon?"

Ngumiti ako ng mapait. Paano ko kakausapin kung ayaw naman akong kausapin? Tingin ko nga ay binlock niya ang number ko kaya hindi ko matext. Bumili pa naman ako ng cellphone para sa kanya.

Camp Alaya Series #1: Eyes Locked, Hands Locked (Completed)Where stories live. Discover now